Lumuwas ang mga residente ng Lower Arroyo Compound sa Barangay Matina Crossing, Davao City dahil sa pagpapalayas sa kanila nitong Peb 27. Umalis ang mga pamilya bitbit ang kanilang mga damit at gamit sa bahay.
Bilang paghahanda sa paglipat, pinag-self-demolish ang mga residente at pinabebenta ang mga materyales ng bahay. Nagsimula ang paglikas noong umaga, habang inaasahan ang paparating na mga trak at bulldozer na sasagawa sa operasyon
Matapos lumikas ang mga residente, dumating ang Philippine National Police para tulungan ang demolition team para baklasin ang mga bahay.
Ayon kay Joel Santes, kapitan ng Matina Crossing, nagdesisyon ang Korte Suprema na kanselahin ang titulo ng mga residente at naglabas ng Writ of Demolition.
May mga residente naman na nakatira na sa lugar noon pangn 1980s at nakakuha ng titulo sa kanilang lupa pero binaliwala ito at pinalayas sila sa kanilang tirahan.
Ang Arroyo Compound ay pag-aari ng Lui family. Mula 2019, nag?alok ng relokasyon sa mahigit 1,500 pamilya. Kasama sa alok sa pagbigay ng bahay, lote at cash aid sa bawat pamilya sa mga relocation site sa Tacunan, Dacudao at Talomo. Sa kabila nito, halos 2,000 pamilya ang nanatili sa compound na nag?aangkin ng sariling titulo at nagpatuloy sa mahabang legal na laban.
Ni-relocate ang mga pamilya bitbit ang kanilang mga gamit at materyales ng kanilang bahay patungong MacArthur Highway hanggang sa relocation site sa Los Amigos.
Kinondena ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ang nangyaring demolisyon dahil sa biglaang pag-relocate sa mga residente at sa hindi malinaw na plano ng gobyerno tungkol sa relokasyon o kompensasyon sa mga nawalan ng tirahan.
Noong Mayo 23, 2025, dinemolis rin ang 400 na bahay sa Upper Arroyo Compound. Ayon sa komunidad, may court order na inilabas upang gibain ang pitong bahay sa nabanggit na purok. Nag-deploy ng 300 pulis at 500 miyembro ng demolition team na pinamunuan ni Sheriff Imelda Navasca.