Government Services

35 taong pakikibaka para sa karapatan sa paninirahan, ginunita ng mga residente ng Dagat-dagatan –

35 taong pakikibaka para sa karapatan sa paninirahan, ginunita ng mga residente ng Dagat-dagatan –


“Mapanggiit na isulong ang pagbabayad ng amilyar sa Dagat-Dagatan Land Possessor” ang panawagan ng Lakas ng Naninirahan sa Dagat-dagatan (LAND) sa paggunita ng kanilang ika-35 na taong anibersaryo.

January 25, 1991 nang maitatag ang LAND sa Sabalo, Dagat-dagatan sa Caloocan. Mula noon, iba’t ibang serye na ng paglaban ang inilunsad ng mga miyembro nito.

Taong 1992 nang makatanggap ng kasong “reconveyance damages” ang LAND mula sa diumano’y claimant ng lupang kinatitirikan ng komunidad. Giit ng mga residente na ang lupain ay ipinagkaloob ng dating Mayor na si Macario “Boy” Aquino Asistio Jr. bilang isang pampublikong lupain. 

“Kinasuhan kami ng claimant, pero nanalo kami sa limang korte… hanggang ngayon wala silang apela– final story, kami talaga.. sa amin talaga ‘to.” ani Jun Corto, tagapangulo ng LAND. 

Umabot ng higit isang dekada bago tuluyang maipagkaloob sa samahan ang kanilang lupain noong 2004. Kasabay nito ang kagyat na aplikasyon hinggil sa pagbabayad ng buwis o amilyar ng samahan sa DENR para pormal ang dokumento sa lupa. 

“Ang problema, ayaw i-award sa amin… Maraming taon kaming nag apply, pabalik-balik, nirenew-renew namin para matanggap, pero ang problema, hindi talaga.” paliwanag ni Corto. 

Sa kabila nito, patuloy pa ring nananawagan ang samahan na igiit ang pagbabayad ng amilyar ng lupa. Sa kanilang ika-35 taong anibersaryo, panawagan din nila ang hindi pagsuko at patuloy na pagkakaisa para makamit ang kanilang karapatan sa paninirahan.

Bilang tagapagmana ng susunod na henerasyon, hinikayat din ng mga residente ang kanilang mga anak at iba pang mga kabataan na lumahok at ipagpatuloy ang kanilang mga panawagan para sa lupa, kabuhayan, at edukasyon.

Loading spinner





Source link

Manila Today
Manila Today

Stay Connected

The PinoyAbrod Daily Brief — in your inbox every morning