NBI: More ICC warrants likely within one monthUS revokes former House Speaker Romualdez’s visas, PH envoy confirmsLegal scholars defend Senate session: 13 not a ‘magic number’NBI: More ICC warrants likely within one monthUS revokes former House Speaker Romualdez’s visas, PH envoy confirmsLegal scholars defend Senate session: 13 not a ‘magic number’
Alternative media

4.8M mag-aaral, target mabakunahan – Pinoy Weekly

4.8M mag-aaral, target mabakunahan – Pinoy Weekly


Target mabakunahan ang 3.8 milyong estudyante ng Grade 1 hanggang Grade 7 sa mga pampublikong paaralan laban sa tigdas, rubella o tigdas hangin, tetanus at diphtheria at karagdagang 973,930 na babaeng estudyante ng Grade 4 laban sa human papillomavirus (HPV) na sanhi ng cervical cancer.

Ayon sa tala ng Department of Health (DOH) mula Ene.1 hanggang Set. 12 ngayong taon, nasa 3,356 ang tinamaan ng tigdas at tigdas hangin kung saan 11 ang nasawi,  215 na kaso ng diphtheria na mayroong 25 na namatay, 81 kaso ng neonatal tetanus na mayroong 44 na namatay. May 7,897 kaso naman ng cervical cancer na mayroong 4,052 na nasasawi kada taon.

Nanawagan ang DOH at Department of Education (DepED) sa mga magulang na isaalang-alang ang kaligtasan ng mga anak sa pamamagitan ng mga bakuna na maaaring makapagligtas ng buhay.

Nagsimula ang school-based immunization program na Bakuna Eskwela noong Okt. 7. May kabuuang P853 milyong pondo ang programa upang protektahan ang mga bata laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pagpapabakuna.



Source link

Pinoy Weekly
Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Stay Connected

The PinoyAbrod Daily Brief — in your inbox every morning