4 na progresibo, pinarangalan sa Ignite Awards – Pinoy Weekly

4 na progresibo, pinarangalan sa Ignite Awards – Pinoy Weekly


Kasabay ng paggunita ng Amnesty International (AI) ng kanilang ika-65 na taon ng pagkakatatag ngayong 2026, pinarangalan ng organisasyon sa karapatang panato ang apat na tanggol-karapatan sa Pilipinas nitong Mayo 28 sa Ignite Awards for Human Rights Season 4.

Idinaos ang aktibidad bilang pagkilala sa tapang at dedikasyon ng mga indibidwal at organisasyon sa pagtataguyod ng karapatang pantao sa Pilipinas. 

Kasama sa mga pinarangalan si Gabriela Women’s Party Rep. Sarah Elago bilang Most Outstanding Human Rights Defender-Individual, ang Karapatan Alliance Philippines bilang Most Outstanding Human Rights Defender-Organization, si Kim Falyao ng Bai Indigenous Women’s Network bilang Outstanding Young Human Rights Defender at si Brian Barrios bilang Art That Matters Award for Visual Arts.

“Kinikilala ng Amnesty International ang dedikasyong inilalaan ng mga Human Rights Defenders sa kanilang aktibismo sa panahong ang karapatan sa pagprotesta mismo ay kinakailangang ipaglaban. Mahalaga ang inyong gawain para sa karapatang pantao, nakikita namin kayo, kasama niyo kami,” sabi ni AI Philippines section director Ritz Lee Santos III sa Ingles. 

Napili ang mga nagwagi matapos ang masusing proseso ng nominasyon at seleksyon na nagsimula noong isang taon. Sinuri ito ng limang miyembro ng Boards of Judges base sa tatlong criteria: impact of human rights work (40%), coverage of human rights work (40%), at credibility (20%). 

Unang inilunsad ang Ignite Awards for Human Rights noong 2017 bilang tugon sa talamak na atake at paninira sa pagtatanggol sa karapatang pantao sa Pilipinas. Ginamit ito bilang hamon ng AI para bigyang-suporta ang mga tanggol-karapatan sa bansa. 

“Maraminig porma ang tapang at ang lahat ng Ignite Awardees ay may iisang paninindigan, ang pagtangging umiwas, iisa ang kanilang dedikasyon para sa kolektibong pagkilos,” ani Santos.



Source link

Pinoy Weekly
Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Stay Connected

The PinoyAbrod Daily Brief — in your inbox every morning