Ang Bayan » Hustisya, mailap pa rin sa magsasakang pinatay ng 20th IB sa Northern Samar


Wala pa ring hustisyang nakakamit ang mga kaanak at pamilya ng magsasakang si Jonny Gorpido Albario, 42 anyos, na brual na pinaslang ng berdugong 20th IB noong Oktubre 10, 2022 sa Barangay San Miguel, Las Navas, Northern Samar. Matapos barilin, si Albario ay dalawang beses pang sinaksak ng mga sundalo—isa diretso sa puso at isa sa ilalim ng kaliwang bahagi ng kanyang dibdib.

Ayon sa nakalap na ulat, bandang alas-10 ng umaga noong araw na iyon, pinalibutan ng isang pangkat ng mga sundalong nagsasagawa ng Retooled Community Support Program (RCSP) ang kanyang bahay para ipailalim siya sa interogasyon. Pawang armado ngunit hindi nakauniporme ang mga sundalo at walang dalang kahit anong papeles para pasukin at halughugin ang bahay ni Albario at arestuhin siya. Wala ring kaso o reklamong nakahain laban sa kanya.

Dahil sa takot na matortyur at patayin ng mga pasistang sundalo, napilitan siyang depensahan ang sarili at magpaputok ng baril. Ginantihan ito ng pagpapaulan ng bala ng mga sundalo. Nasugatan sa pamamaril si Albario pero sa halip na lapatan ng paunang-lunas ay dalawang beses siyang sinaksak hanggang mamatay.

Sa araw ding iyon, iligal na hinuli si Gunay Rosco Albario, 53 anyos, isang magsasakang nagkataong humihingi lamang ng ulam nang sumalakay ang mga sundalo. Binugbog siya, ginapos ang kamay at paa at binilad sa araw na nagpalala sa kanyang altapresyon.

Itinanggi ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Northern Samar na pawang kasapi nila ang dalawang sibilyan. Anang yunit, nang dumating ang mga sundalo sa baryo sa panahong iyon ay agad nitong pinagbintangang mga kasapi ng BHB ang lahat ng magsasakang hindi magpapailalim sa interogasyon.

Galit ang mga magsasaka sa estilong ito ng militar dahil nadala na sila sa mga karanasan at kwento ng mga nagpapa-“clear” sa kaaway pero pinag-iinitan pa rin. Paulit-ulit silang pinapatawag, pinipigaan ng impormasyon at sapilitang pinapaamin sa mga bintang ng mga sundalo.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!