Ang Bayan » Organisador ng mga magsasaka sa Quezon, dinukot ng 1st IB


Dinukot at iligal na idinetine ng mga sundalo ng 1st IB ang organisador ng mga magsasaka at pambansang minorya na si Reymart Moneda sa Barangay Magsaysay, Infanta, Quezon. Inilitaw siya sa sumunod na araw ng mga sundalo at ipinailalim sa kustodiya ng mga pulis na hindi pa malinaw na mga kaso.

Sa isinagawang fact-finding mission ng Karapatan-Southern Tagalog, napag-alaman nitong kasalukuyang nakakulong ang biktima sa istasyon ng pulis sa bayan ng Infanta. Iginigiit ng grupo na payagan silang makita si Moneda at malaman ang kanyang kalagayan.

Si Moneda ay kasapi ng Bigkis at Lakas ng mga Katutubo sa Timog Katagalugan (BALATIK). Kabilang siya sa tumutulong sa mga pambansang minorya ng Rizal at Quezon na tumututol sa pagtatayo ng Kaliwa-Kanan Dam dahil sa malulubhang pinsalang dala nito sa komunidad ng mga katutubo. Pinakahuli siya sa mga aktibista at tagapagtanggol ng karapatan ng mga katutubo na dinukot, inilitaw, iligal na ikinulong at pinagkakaitan ng karapatan na mabisita ng kamag-anak at abugado.

Nauna rito ang pagdukot at iligal na detensyon sa kampo ng militar sa Rizal kina Mary Joyce Lizada at Arnulfo Aumentado, kilala rin bilang “Mansalay 2”. Kasunod ang kaso nina Job David, Peter Del Monte Jr, at Alia Encela na dinukot ng mga ahenteng militar noong Setyembre 19.

Hindi rin nakaligtas sa panggigipit ng 59th IB maging ang fact-finding mission ng Karapatan-Southern Tagalog. Hinarang ng 59th IB ang grupo sa isang tsekpoynt sa Barangay Tanauan, Real, Quezon noong Oktubre 18. Pilit silang pinababa sa kanialng sasakyan para isa-isang kunan ng litrato. Kahit iligal, pilit inalam ng mga sundalo ang pagkakakilanlan at kung saan sila nakatira.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!