Ang Bayan » Mga manggagawa sa Nexperia, muling nagprotesta


Muling nagprotesta ang daan-daang manggagawa sa pangunguna ng Nexperia Phils. Inc. Workers Union noong Nobyembre 4 para tutulan ang mga paglabag sa kanilang Collective Bargaining Agreement (CBA) at kundenahin ang tanggalan na isinagawa ng kumpanya noong Oktubre 2022.

Nagmartsa sila sa loob ng Light Industry and Science Park, Cabuyao, Laguna kung saan matatagpuan ang kanilang pabrika. Panawagan nilang ibalik sa trabaho ang walong manggagawa na anila’y sinisante nang walang batayan at labag sa kanilang CBA. Sigaw nila, ang laban ng walo ay laban ng buo!

Nagprotesta rin ang mga manggagawa noong Oktubre 26 sa loob ng kumpanya para kundenahin ang tanggalan at atake sa unyon at ipamalas sa kapitalista ang kanilang solidong lakas. Anila, labag sa probisyon ng kanilang CBA na “last in, first out” ang pagtatanggal sa walo na kinabibilangan ng tatlong upisyal ng unyon.

Para bigyang-matwid ang pagtanggal, sinasabi ng kapitalista na sobra na sa walo ang manggagawa sa Power Department na itinakda ng punong upisina ng dayuhang kumpanya. Nakabase ang hedkwarters ng Nexperia sa The Netherlands.

Ayon sa unyon, ang kapitalista ay “acting in bad faith” o hindi tumutupad sa probisyon ng CBA para sa union security o seguridad ng unyon. Union busting o pagbuwag sa unyon din ang layunin ng kumpanya dahil “hinahati nito ang kaisipan ng manggagawa na iba ang isyu ng Sensors closure sa isyu ng Power Department na sa katunayan ay nasa isang kumpanya lamang,” pahayag ng unyon.

Batid ng mga manggagawa na ang tunay na layunin ng kapitalista ay “tagpasin” ang pamunuan ng unyon bilang paghahanda nito sa paparating na negosasyon para sa bagong CBA.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!