Sa ilang mga ulat ng balita, inilarawan ni Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chair ng House Committee on Dangerous Drugs, ang anti-drug operations sa ilalim ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang “bloodless.” Ito ay nakapanliligaw.
PAHAYAG
Noong Oktubre 15, sinipi ang pahayag ni Barbers sa mga lumabas na mga balitang pinupuri ang kampanya ni Marcos laban sa ilegal na droga. Bahagi nito ay nagsasabing:
“It’s a bloodless war. It shows that we can slay the dragon that is the drug menace without lives lost.”
(“Ito ay isang hindi madugong digmaan. Ipinakikita nito na kaya nating patayin ang dragon ang panganib ng droga nang walang buhay na nasasawi.”)
Pinagmulan: Manila Bulletin, Ranking solons hail PBBM’s ‘bloodless drug war’ after Duterte hits House, Oktubre 15, 2023; Philippine News Agency, PBBM’s bloodless drug war negates int’l watchdog’s condemnation, Oktubre 15, 2023; NET25, Bloodless Illegal Drug Campaign ni PBBM Suportado ng Liderato sa Kamara, Oktubre 17, 2023
Ang pahayag na ito ay nangyari anim na araw matapos na iniulat ni Barbers, sa pagdinig ng kanyang komite noong Oktubre 9, na ang mga ahensya na nagpapatupad ng batas ay nakasamsam ng humigit-kumulang P30-bilyong halaga ng iligal na droga mula nang magsimula ang administrasyong Marcos.
ANG KATOTOHANAN
Bagama’t nangako si Marcos na ang kampanya laban sa droga ng kanyang administrasyon ay magkakaroon ng “bagong mukha,” na nakasentro sa rehabilitasyon at pagtugon sa pagkagumon sa droga, ito ay madugo rin. Ang Dahas Project ng Third World Studies Center sa University of the Philippines ay nakapagtala ng 438 drug-related killings mula Hulyo 1, 2022 hanggang Oktubre 15, 2023.
Mula sa bilang na ito, 195 na ahente ng estado ang umano’y sangkot bilang mga nakapatay sa mga iniulat na drug-related killings, ayon kay Dahas, na nangongolekta ng datos mula sa mga balita na binabanggit ang mga opisyal na nagpapatupad ng batas sa lugar ng pangyayari.
(Tingnan ang Who says Marcos war on drugs is ‘bloodless’? at VERA FILES FACT SHEET: Pagkakaiba sa bilang ng katawan ng mga biktima ng giyera laban sa droga ipinaliwanag)
Gayunpaman, nakapagtala ang Philippine Drug Enforcement Agency ng 52% na pagbaba sa bilang ng mga nasawi na may kaugnayan sa droga sa mga operasyon nito, mula 40 noong 2020 – 2021 hanggang 19 mula Hulyo 2022 – Set. 2023, batay sa ulat nito sa mga mambabatas noong Okt. 9 na public hearing ng House Committee on Dangerous Drugs.
BACKSTORY
Noong Pebrero, ipinahayag ni Barbers ang kanyang “buo at walang pag-aalinlangang“ suporta para sa House Resolution No. 780 na nagdeklara ng “walang pag-aalinlangang depensa” kay dating pangulong Rodrigo Duterte sa anumang imbestigasyon/pag-uusig ng International Criminal Court (ICC).
(Tingnan ang AT A GLANCE: House resolution to support Duterte vs ICC probe)
Ang resolusyon ay lumabas 20 araw matapos payagan ng ICC Pre-Trial Chamber I ang prosekusyon na ipagpatuloy ang imbestigasyon nito sa umano’y extrajudicial killings sa bansa, na may kaugnayan sa anti-illegal drug war campaign ng Duterte administration.
(Tingnan ang ICC resumes full-blown investigation into Duterte administration’s drug war)
May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).
Mga Pinagmulan
CNN Philippines, Illegal drugs worth ₱30-B seized under Marcos admin, says House leader, Oct. 9, 2023
GMA News Online, Barbers: P30B illegal drugs seized since start of Marcos admin, Oct. 9, 2023
Abante, Barbers: P30B nakumpiskang droga kayang pondohan presidential bet, Oct. 9, 2023
Official Gazette of the Philippines, Ferdinand R. Marcos Jr., Second State of the Nation Address, July 24, 2023, July 24, 2023
Dahas Project, About, Accessed Oct. 25, 2023
House of the Representatives of the Philippines, Committee on Dangerous Drugs, Oct. 9, 2023