Ang Bayan » 4 na armas, granada, nakumpiska ng BHB-Sultan Kudarat sa operasyong dis-arma


Dinis-armahan ng mga operatiba ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Sultan Kudarat ang despotiko at ahente ng 57th IB na si Junior Martinez sa Sityo Badiangan, Barangay Salangsang sa Lebak, Sultan Kudarat noong Nobyembre 13, alas-5 ng umaga. Nakumpiska sa kanya ang isang M16, isang shotgun, dalawang pistola, isang hand grenade, at isang radyong VHF.

Ginagamit ni Martinez ang naturang mga armas sa paninindak para mang-agaw ng lupa ng masang magsasaka sa lugar. Dating walang sariling lupa si Martinez. Labis ang takot ng mga biktima dahil suportado si Martinez ng 57th IB at madalas makita sa kampo ng sundalo.

Noong Nobyembre 10 naman ng umaga, naglunsad ng operasyong haras ang BHB-Sultan Kudarat laban sa detatsment ng 37th IB sa Sityo Pangyen, Barangay Hinalaan, Kalamansig. Ikinalugod ng mga residente ang opensiba ng BHB dahil sa perwisyong hatid ng tropa nito sa lugar.

Nangunguna ang mga sundalo sa pagsusugal, paglalasing na nagdudulot ng perwisyo tuwing gabi, pagpakalat ng tsismis na nagresulta sa paghihiwalay ng mga mag-asawa at iba pang panggugulo. Paulit-ulit din nitong ginigipit at pinipilit ang mga sibilyan na “sumurender.”

Tumatayong kumander ng yunit si Lt. Col. John Paul Baldomar. Nakabase ang batalyon sa Barangay Tibpuan, Lebak, Sultan Kudarat.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!