Tono ni Sara Duterte sa isyu ng confidential funds nagbago


Sinabi ni Vice President Sara Duterte noong Nobyembre 9 na hindi na niya ipipilit ang panukalang P650-million na confidential funds sa 2024 national budget para sa Office of the Vice President at Department of Education (DepEd) dahil nagiging sanhi daw ng pagkakawatak-watak ang isyu. 

Pagkambyo ito sa naunang pahayag ni Duterte noong Oktubre 4 na “kalaban ng bayan” ang sinumang kumokontra sa confidential funds para sa kanyang mga opisina.

Bagama’t ayaw na raw niya ng confidential funds, hiniling naman niya sa mga mambabatas na ilipat ang P150-million confidential funds ng DepEd sa National Learning Recovery Program ng ahensya.

(Read VERA FILES FACT CHECK: Sara Duterte’s statement on confidential funds MISLEADS

Panoorin ang VERA Files Fact Check: 

May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).

Mga pinagmulan

Senate of the Philippines, Senate Session No. 30, Nov. 9, 2023

BOMBO Radyo Pilipinas Facebook page, Panoorin: ipapaubaya na lamang ni DepEd Secretary at VP Sara Duterte sa mga mambabatas…, Sept, 12, 2023

ABS-CBN News, Analyst: Duterte committed ‘fatal’ mistakes in push for confidential funds | ANC, Nov. 10, 2023

CNN Philippines, Education spokesperson Michael Poa | The Source, Nov. 10, 2023

PRO13 Caraga PULIS PIO Facebook Page, Happening Now || Police Regional Office 13 122nd Police Service Anniversary with HON. SARA Z. DUTERTE, Oct. 4, 2023

 



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!