PRWC » Kabataan sa milisyang bayan


Sa isang baryo sa Southern Tagalog, malaki ang ambag ng dalawang kasapi ng Kabataang Makabayan (KM) na ngayo’y nagsisilbi na bilang bahagi ng milisyang bayan. Katuwang sila sa pagtitiyak ng seguridad ng mga residente at sa lokal na yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) nang humimpil malapit sa kanilang komunidad.

Masigasig, mapamaraan at matapang sina Ka Maki, 23, at Ka Aja, 21, sa paggampan sa gawain ng milisyang bayan. Ang dalawa ay mga manggagawang-bukid na arawang namamasukan sa mga niyugan at palayan. Paminsan din silang lumuluwas sa bayan para magtrabaho sa konstruksyon at maggwardya sa mga babuyan, manukan, o itikan.

Sa isang serye ng operasyon ng mga sundalo, nagsilbi silang mata at tagapag-ulat ng BHB. Regular nilang nirerekorida ang mga kabundukan para mangalap ng impormasyon. Sila rin ang naghatid ng suportang pagkain ng mga organisasyong masa at sangay ng Partido sa lokalidad para sa BHB.

Sa isang insidente, mapangahas na tumungo si Ka Maki sa bahay ng magsasakang tiyak siyang dinadaanan ng mga sundalo. Pinakalma niya at inalam mula sa natatakot na magsasaka ang detalye ng mga sundalo at kung saan sila nagtungo. Agad niya itong iniulat sa yunit ng BHB.

Regular naman kung magrekorida si Ka Aja. Katulong siya sa pagbubura ng mga bakas ng mga Pulang mandirigmang dumadaan o nagkakampo sa kanilang erya. Pana-panahon din siyang sumasanib sa yunit para sa mga pagsasanay at pag-aaral, at tumutulong sa paglilipat-lipat ng mga Pulang mandirigma. Lalo siyang naging aktibo matapos minsang gamutin ng mga kasama.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!