Ang Bayan Ngayon » Nakatakdang porum ng US Air Force sa UP Diliman, ipinaaatras


Nangangalap ng pirma para sa isang petisyon ang University of the Philippines Diliman (UPD) College of Science Student Council (CSSC) sa mga estudyante at organisasyon sa kampus nito para pigilan ang nakatakdang porum ng US Air Force Office of Scientific Research (AFOSR) sa UP Diliman sa darating na Enero 1. Ayon ito sa ulat ng Philippine Collegian, pahayagang pangmag-aaral ng UP Diliman.

Binatikos ng UPD CSSC ang nakatakdang porum ng US Air Force sa College of Science Administration Building na mabibigay ng impormason kaugnay ng “US Air Force Office of Scientific Research Grant Opportunities.” Tatalakayin dito kung papaanong makakukuha ng pondo mula sa AFOSR para sa mga pananaliksik na mapakikinabangan ng US Air Force.

Layunin ng AFOSR na pondohan ang siyentipikong pananaliksik na maaari nitong isanib sa pagpapaunlad ng mga armas at teknolohiya na kapaki-pakinabang sa mga gera at opensiba ng imperyalistang US.

“[Ang porum] ay tahasang kabaligtaran ng paninindigan ng kolehiyo na “Ipaglinkgod sa sambayanan ang Siyensya,” ayon sa petisyon ng konseho. Naniniwala ang konseho na dapat gamitin ang teknolohiya sa higit na nakabubuti, para sa isang makatarungan at mapayapang lipunan.

Anila, malinaw na ginagamit ang mga pananaliksik na ito para sa mga krimen sa digma tulad ng ginagawang pagsuporta at pagpopondo ng imperyalistang US sa henosidyo ng Zionistang Israel laban sa mamamayang Palestino. Sa ulat noong huling kwarto ng 2023, nakatakdang bigyan ng US ang Israel ng dagdag na $14.3 bilyon para itaguyod ang gera nito laban sa mamamayang Palestino.

Sa kabuuan, simula 1946 hanggang 2023, tinatayang $263 bilyon na ang ibinigay nito sa Israel para sa pag-atake sa mga Palestino. Higit 80% ng mga armas ng Israel mula 1950 hanggang 2020 ay mula sa US.

Dahil dito, umapela ang konseho sa dekano ng kolehiyo na si Dean Giovanni Tapang na huwag pahintulutang maisagawa ang aktibidad sa nasasakupan nitong mga gusali at iginiit nilang tuluyan nang ipaatras ang porum. Ayon sa Philippine Collegian, sinimulang ipaikot at mangalap ng pirma ng konseho noong Enero 22.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!