Naglunsad ng protesta ang mga drayber at opereytor ng dyip sa harap ng Shell Gasoline Station sa Caretta, Cebu City ngayong araw, Enero 30, para kundenahin ang muling pagtaas ng presyo ng langis.
Itinaas ng mga kumpanya ng langis ang presyo ng gasolina nang ₱2.80 kada litro, ₱1.30 kada litro ng diesel at ₱0.45 kada litro ng kerosin. Ang naturang pagtaas ay pang-apat na sa unang apat na linggo ng taon.
Kumukonsumo ng hanggang 30 litro ang isang dyip sa isang araw na pamamasada. Sa abereyds na presyong ₱61.50/litro ng diesel, gumagastos ng ₱1,845 kada araw para sa langis ang isang drayber ng dyip, mas mataas nang ₱70 kumpara noong Disyembre 2023, kung saan nasa ₱59.15 ang abereyds na presyo ng diesel kada litro.
Post Views: 107