Kumalat kamakailan ang mga larawan umano ni Pope Francis na nakikipag-party. Peke ang mga ito at gawa gamit ang artificial intelligence o AI program.
Pinost ang mga larawan noong January 1 sa Facebook group na Cursed AI kung saan ang mga kasali ay nagshe-share ng mga content na gawa ng AI. Kinumpirma rin ng creator na si Ed Haas sa comment section na gawa ang mga ito sa AI program na Midjourney.
Narito ang tatlong tips para iwas maloko ng AI-generated photos.
Basahin ang buong fact-check. (VERA FILES FACT CHECK: PEKE ang kumakalat na mga picture ni Pope Francis na nakikipag-party)
May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).
(Editor’s Note: Nakikipagtulungan ang VERA Files sa Facebook para labanan ang pagkalat ng maling impormasyon. Alamin ang iba pang tungkol sa partnership na ito at ang pamamaraan namin.)