Sa panawagan sa mga nasa likod ng umano’y pamimili ng pirma para sa people’s initiative para sa Charter change, sinabi ng abogadong si Harry Roque na hinihiling pa rin ang mga tao ang pamumuno ni dating pangulong Rodrigo Duterte dahil “siya ay may isang salita” at pinaninindigan ito. Ito ay hindi totoo.
Salungat ito sa mga nakaraang pahayag ni Duterte na nagpakita na nagbago ang kanyang isip sa maraming isyu na bumagabag sa kanyang administrasyon.
PAHAYAG
Sa isang prayer rally sa Cebu City noong Peb. 25, nagbigay si Roque ng 10-minutong makapukaw-damdaming talumpati, na nagbabala sa mga Pilipino sa pag-uulit ng “madilim na panahon sa kasaysayan” nang ang mga pulitikong gutom sa kapangyarihan ang namuno sa bansa.
Tinukoy ng dating tagapagsalita ni Duterte ang dating pangulo bilang isang lider na hindi nagsisinungaling at tumutupad sa kanyang mga pangako. Sinabi niya:
“Pinaka-importante, meron pong isang salita… na ‘pag sinabing ‘I hate drugs, I will not take drugs’. […] Magtataka ba sila kung bakit hinahanap-hanap ngayon ang [dating] presidente Rodrigo Roa Duterte? Dahil siya [ay] may isang salita.”
(“Pinaka-importante, meron pong isang salita… na ‘pag sinabing ‘Kimamumuhian ko ang droga, hindi ako magdro-droga’. […] Magtataka ba sila kung bakit hinahanap-hanap ngayon ang [dating] presidente Rodrigo Roa Duterte? Dahil siya [ay] may isang salita.”)
Pinagmulan: Sonshine Media, FULL SPEECH | Atty. Harry Roque sa isinagawang prayer rally sa Cebu City, Peb. 25, 2024, panoorin mula 4:03 hanggang 5:43
ANG KATOTOHANAN
Noong siya ay pangulo, ilang beses na binago ni Duterte ang kanyang posisyon sa mga pangunahing isyu, tulad ng kanyang mga pangakong sugpuin ang katiwalian at alisin ang iligal na droga sa bansa. Tatlong taon sa pagkapangulo noong 2019, sinabi ni Duterte na “hindi niya makontrol ang droga,” isang pagbabago mula sa kanyang pangako noong 2016 na puksain ang iligal na droga sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.
Noong 2017, nangako si Duterte na magkaroon ng 101% na malinis na gobyerno. Bago matapos ang kanyang termino noong 2022, sinabi niyang walang makakapigil sa katiwalian.
(Basahin ang VERA FILES FACT SHEET: Duterte’s ‘never-ending’ fight against drugs and corruption in his own words (Part 1) at VERA FILES FACT SHEET: Duterte’s ‘never-ending’ fight against drugs and corruption in his own words (Part 2))
Si Duterte, sa isang talumpati noong Dis. 3, 2018, ay nagsabi na dati siyang gumagamit ng marijuana para manatiling gising ngunit huminto dahil siya ay tumatanda na. Nang maglaon sa araw na iyon, binawi ng dating pangulo ang pahayag na ito, na sinabing siya ay nagbibiro lang.
May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).
Mga Pinagmulan
GMA News Youtube Channel, REPLAY: PiliPinas Debates 2016 (commercial-free), Feb. 23, 2016
RTVMalacañang, PDP – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) Malabon City Campaign Rally (Speech) 4/2/2019, April 2, 2019
RTVMalacañang, 2017 State of the Nation Address, July 24, 2017
RTVMalacañang, Inauguration of the New Dr. Jose Fabella Memorial Hospital (Speech), May 4, 2022
RTVMalacañang, Conferment of Awards on ASEAN NOC Officials and Personnel (transcript), Dec. 3, 2018
Presidential Communications Office, Media Interview of President Rodrigo Roa Duterte following the conferment of posthumous Quezon Service Cross Award on the late Senator Miriam Defensor Santiago (transcript), Dec. 3, 2018
Inquirer.net, Duterte on ‘admission’ to marijuana use: ‘It was a joke’, Dec. 3, 2018
Philstar.com, Marijuana, EJKs and cursing: 5 times Duterte was ‘just kidding’, Dec. 4, 2018