Duterte inulit ang MALING pahayag na ang U.S. ay may ‘napakaraming base’ sa PH


Sa isang eksklusibong panayam ng Global Times, ang pang-araw-araw na pahayagan na pag-aari ng China, muling sinabi ni dating pangulong Rodrigo Duterte na ang United States (U.S.) ay “[may] napakaraming base sa Pilipinas ngayon.” Aniya, ito ay naging posible sa pagsang-ayon” ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ay hindi totoo. Nauna nang pinabulaanan ng VERA Files ang mga katulad na pahayag ni Duterte at sa noo’y secretary ng Foreign Affairs na si Alan Peter Cayetano.

(Basahin ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte sinabing mayroon pa ring base militar ng U.S. sa PH kahit wala at VERA FILES FACT CHECK: Cayetano wrong to claim U.S. has military bases in PHL, Taiwan)

Former president Rodrigo DuterteFormer president Rodrigo Duterte

Wala nang permanenteng base militar ang U.S. sa Pilipinas.

Noong Setyembre 1991, isinara ng U.S. ang naval base nito sa Subic kasunod ng pagtanggi ng Senado sa isang iminungkahing kasunduan na magpapalawig sa pananatili nito. Tatlong buwan bago nito, inabandona ng mga Amerikano ang Clark Air Base, ang isa pang pangunahing instalasyon ng U.S. sa Pilipinas, matapos itong mabaon sa abo mula sa bulkan nang sumabog ang kalapit na Mount Pinatubo at kalaunan ay isinara.

Ipinagbabawal ng 1987 Constitution ang patuloy na pananatili ng mga base nito sa bansa pagkatapos pag-expire noong 1991 ng Military Bases Agreement sa pagitan ng dalawang bansa. Ang Section 25, Article VIII ng Charter ay nagsasaad na ang mga dayuhang base militar, tropa o pasilidad ay maaaring pahintulutan lamang sa teritoryo ng Pilipinas sa ilalim ng isang kasunduan na niratipikahan ng Senado at, kung kinakailangan ng Kongreso, ng mga tao sa isang pambansang referendum. Ang kasunduan ay dapat na kilalanin ng kabilang estado.

Noong Pebrero 2023, binigyan ni Marcos ang U.S. ng access sa apat na karagdagang base ng Pilipinas sa ilalim ng mga Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites: Naval Base Camilo Osias sa Santa Ana, Cagayan; Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela; Balabac Island sa Palawan; at Lal-lo Airport sa Cagayan.

Naging siyam ang kabuuang bilang ng EDCA sites sa bansa kung saan maaaring magdaos ang U.S. ng magkasanib na pagsasanay, magtayo ng mga pasilidad at mag-imbak ng mga defense equipment at supply.

May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).

Mga Pinagmulan

Global Times, GT exclusive: Former Philippine president Duterte warns Manila to turn back from detrimental path, resolve disputes through dialogue, April 12, 2024

Official Gazette of the Philippines, The Constitution of the Republic of the Philippines: Article VIII, Sec. 25, Accessed April 17, 2024

The New York Times, Philippine Senate votes to reject U.S. base renewal, Sept. 16, 1991

The Washington Post, U.S. base rejected in the Philippines, Sept. 10, 1991

Los Angeles Times, Manila Senate Rejects U.S. Pact : Philippines: The 12-11 vote would bar American use of Subic Bay Naval Base. Washington supports Aquinos call for a popular referendum to overturn the action, Sept. 16, 1991

Presidential Communications Office, Palace: 4 additional EDCA sites to boost PH humanitarian, relief operations in disasters, April 3, 2023

Official Gazette of the Philippines, Document: Enhanced Defense Cooperation Agreement between the Philippines and the United States, April 29, 2014



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!