VERA FILES FACT CHECK: Pilipinas, America, Japan at Australia, WALANG magkakasamang pag-atake sa China


May YouTube video na nagsasabing ang Pilipinas, America, Japan at Australia ay nagsama-sama para atakehin ang China sa West Philippine Sea (WPS). Hindi ito totoo. Wala kahit isa sa apat na bansa ang nagdeklara ng pag-atake sa China, sa kabila ng lumalalang pambu-bully ng China sa WPS. 

Ini-upload noong May 6, tatlong araw pagtapos mag-usap ng mga defense chief ng Pilipinas, America, Japan at Australia, sabi sa headline ng video:

CHINA ULTIMATUM NA! LAST WARNING 4 DEFENSE CHIEF! AATAKE SABAY SABAY! MALAKING GULO TO WEST PH SEA

Sa umpisa ng video ay may nagsasalita: “Sanib pwersa na dito ang apat, sabay-sabay na aatake sa West Philippine Sea. Umatake man ngayon ang China sa Pilipinas, hindi na tayo matatakot sa West Philippine Sea.” 

Nitong May 3, ipinahayag ng joint statement ng Pilipinas, America, Japan at Australia ang pangakong pagpapalakas ng maritime cooperation.

VERA Files Fact Check - ANG TOTOO: Walang anumang pahayag ang Pilipinas, Estados Unidos, Japan at Australia na magkakasama silang aatake sa China. Sa isang joint statement, kinundena lang ng apat na bansa ang mga agresibong galaw ng China sa West Philippine Sea.VERA Files Fact Check - ANG TOTOO: Walang anumang pahayag ang Pilipinas, Estados Unidos, Japan at Australia na magkakasama silang aatake sa China. Sa isang joint statement, kinundena lang ng apat na bansa ang mga agresibong galaw ng China sa West Philippine Sea.

Walang deklarasyon ng magkakasamang pag-atake sa China, pero kinondena ng mga defense chief ng Pilipinas, America, Japan at Australia ang pambu-bully ng China sa WPS, partikular ang delikadong paggamit ng China ng mga barko ng kanilang coast guard at maritime militia at paulit-ulit na pagharang sa mga barko ng Pilipinas.

Ang joint statement ay ipinahayag matapos din ang pagbomba na naman ng tubig ng Chinese Coast Guard noong April 30, na nakasira sa dalawang barko ng Pilipinas papuntang Scarborough Shoal. Ang Scarborough, na tinatawag ding Panatag sa Pilipinas, ay parte ng 200-nautical-mile exclusive economic zone ng Pilipinas, na inaangkin ng China.

Iniudyok din ng Pilipinas, America, Japan at Australia ang China na sundin ang 2016 Arbitral Tribunal Award, na idinedeklarang walang basehan ang pag-aangkin ng China sa halos kabuuan ng South China Sea. 

Ini-upload ng mga YouTube channel na Boss Balita TV at BALITA NI JUAN, ang video ay may kabuuang higit 21,300 interactions. Ini-repost din ng mga Facebook netizen ang link. 

May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).

(Editor’s Note: VERA Files has partnered with Facebook to fight the spread of disinformation. Find out more about this partnership and our methodology.)



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!