PRWC » Itakwil ang limos na ₱35 umento sa arawang sahod!


Kasama ng masang manggagawa, buong-lakas na binabatikos ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang rehimeng Marcos, at kasabwat nitong dayuhan at lokal na malalaking kapitalista sa paghahagis nito ng baryang ₱35 umento sa arawang sahod ng mga manggagawa sa National Capital Region. Siguradong mas mumo pa ibibigay sa iba pang mga rehiyon.

Walang-saysay ang baryang umento na ito sa harap ng patuloy na pagsirit ng presyo ng bigas, gulay, karne, isda at iba pang pagkain, liban pa sa langis, gamot, kuryente, tubig at iba pang mga saligang bilihin at mga serbisyo.

Ang ₱645 na minimum na sahod sa National Capital Region, ay higit lamang kalahati sa pangangailangan para mabuhay na disente ang lima-kataong pamilya. Tinatayang nasa halos ₱1,200 na ang halaga ng kanilang batayang pangangailangan sa araw-araw.

Hindi limos, kundi karampatang kabayaran sa kanilang paggawa ang ipinaglalaban ng masang manggagawa. Sa harap ng pagbibingi-bingihan at pagbubulag-bulagan ng rehimeng Marcos, dapat kumilos ang masang manggagawa, palakasin o itatag ang kanilang mga unyon at mga samahan, palakasin ang kanilang boses, at sama-samang kumilos sa mga pagawaan at magmartsa sa lansangan.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!