Mga residente ng Donald Compound, FB Harrison, Pasay City, patuloy ang paglaban para sa in-city relocation at katiyakan sa paninirahan –


Higit 500 mga residente ng Donald Compound sa FB Harrison, Pasay City ang nagsilikas nang i-demolish ang kanilang mga kabahayan ng MEGALAND, kahapon, ika-1 ng Agosto.

Tinatayang 30 hanggang 40 kabahayan ang idinemolish. Ilan sa mga residente rito ay apat na dekada nang naninirahan bago noong 2021 lamang nagpakilala bilang claimant ang MEGALAND sa lugar.

Ayon kay Marichu Enbay, halos dalawang dekada na siyang naninirahan sa Donald Compound kung saan sila na ang nadebelop ng tiwangwang na lupa.

Kahapon, Agosto 1, marahas ang isinagawang demolisyon sa pangunguna ng Pasay demolition team, Pasay City Police at SWAT. Nagtamo ang ilang mga residente ng sugat habang isa naman ay isinugod nasa ospital bunsod ng paghampas ng isa mula sa demolition team ng bloke ng bato sa kaniyang ulo.

Pumasok din ang kapulisan na naka-full battle gear habang dinedemolish ang kanilang kabahayan. Tinakot din si Enbay nang magkasa ng baril ang isa sa kaniyang harapan.

Bandang hapon naman nagdaos ng vigil ang mga residente bilang simbolo ng kanilang patuloy na pakikipaglaban at paggiit para sa in-city relocation at katiyakan sa paninirahan.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!