OFWs sa HK, Taiwan, pinuna ang atas sa kontribusyon – Pinoy Weekly


Nagprotesta ang mga overseas Filipino worker (OFWs) sa Philippine Consulate sa Hong Kong nitong Set. 1 para tutulan ang atas ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) ng Taiwan na puwersahin ang mga Pilipinong migrante na magbayad sa Overseas Workers Welfare Administration, Social Security System at Philhealth. Hindi ibeberipika ang kanilang kontrata kung hindi sila magbabayad.

Nangangamba ang OFWs sa Hong Kong at Taiwan na kukurakutin lang ang kanilang pinaghirapang salapi kapag tuluyang maipatupad ang atas sa parehong bansa.

Inihalintulad ito ni Dolores Balladares ng United Filipinos in Hong Kong sa Executive Order 857 ni Ferdinand Marcos Sr. noong 1984 na kinakailangan magpakita ng pruweba ng remittance sa kanilang pamilya ang OFWs para iproseso ang kanilang kontrata at pasaporte.

Pinuri naman ni Balladares ang mga migranteng manggagawa sa Taiwan sa kanilang maagap na pagtindig laban sa mapang-abusong patakaran.

Sinabi rin ni Balladares na dapat siguruhin ng MECO na may sapat itong pondo para tugunan ang mga direktang pangangailangan ng mga Pilipino sa Taiwan at nananawagan ang OFWs sa Kongreso na magbigay ng sapat na pondo para sa serbisyo.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!