Baryang umento sa Calabarzon, Gitnang Visayas, binatikos – Pinoy Weekly


“Hindi kami pulubi. Hindi limos ang kailangan ng mga manggagawa.”

Iyan ang pagdidiin ni Kilusang Mayo Uno secretary general Jerome Adonis hinggil sa panibagong insultong dagdag sa minimum na sahod ng mga manggagawa sa Calabarzon at Gitnang Visayas. 

May P21 hanggang P75 ang dagdag sa minimum na sahod ang mga manggagawa sa Calabarzon, habang may P33 hanggang P43 na umento naman sa Gitnang Visayas ayon sa inilabas na magkahiwalay na kautusan ng mga Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng dalawang rehiyon. 

Malayo pa rin ito sa hiling ng mga manggagawa na gawing P1,200 ang minimum na sahod alinsunod sa pagtataya sa pag-aaral sa nakabubuhay na sahod independent think tank na Ibon Foundation. 

“Ang hinihinging P1,200 na national minimum wage ng manggagawa ay sapat-sapat lang para mabuhay kaming manggagawa at pamilya namin. Sa totoo lang, kulang na kulang pa ‘yan kung ikukumpara sa nililikha naming kita ng mga kapitalista,” dagdag ni Adonis.

Patuloy ang paggigiit sa buong bansa na itaas sa nakabubuhay na antas ang sahod ng lahat ng manggagawa dahil sa patuloy na krisis na nararanasan bunsod ng patuloy na pagtaas ng mga presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!