2 magsasaka sa Masbate, pinaslang ng militar – Pinoy Weekly


Pinagbabaril ng mga elemento ng 2nd Infantry Battalion ng Philippine Army ang mga magniniyog na sina Roger Clores at Ronnel Abril sa Brgy. Simawa, Uson, Masbate nitong madaling araw ng Set. 26.

Pinalalabas ng militar na napatay ang dalawa sa isang engkuwentro sa New People’s Army (NPA) at nakumpiskahan rin umano ng mga baril at armas na madalas na modus ng mga elemento ng estado para bigyang katuwiran ang mga pamamaslang.

Kinondena ng mga grupong karapatang pantao na Karapatan Masbate at Defend Bicol Stop the Attacks Network ang patuloy na paglabag at pag-abuso ng militar sa mga karapatan ng mamamayan ng Masbate.

“Sila ay mga sibilyan na parehong magsasaka sa kanilang komunidad,” pahayag ng Karapatan Masbate.

Kumpirma naman ng mga residente sa social media na hindi miyembro ng NPA ang mga biktima. Nagpahayag din sila galit sa ginawang pagpatay sa dalawang magniniyog.

Sina Clores at Abril ang ika-34 at ika-35 biktima ng pamamaslang ng militar sa islang lalawigan.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!