Noong Hunyo 2024, pormal na naitatag ang Artista at Manunulat para sa Sambayanan-Kerima Tariman Chapter (ARMAS-KT).

Lubos na naniniwala kaming mga artista at manunulat ng bayan na ang sining ay malaking bahagi sa pagsusulong ng Demokratikong Rebolusyong Bayan para sa pagkakamit ng pambansang kalayaan at kasarinlan. Hindi titigil ang aming mga panulaan at sining pangmasa na ilantad ang bulok at pasismong hatid ng tambalan ng imperyalistang U.S. at ni Marcos Jr.

Lalong naghihikahos ang mamamayan sa pag huthot ng yaman ng Imperyalismo, Burukrata Kapitalismo, at Pyudalismo na siyang ugat ng kawalan ng pambansang industriyalisasyon at pagbagsak ng ekonomya ng bansa. Maging ang kultura at mga paniniwala na kanilang pinalalaganap ay nagbubunga ng kahirapan sa mamamayang Pilipino, maging ang mga “art” na ibinebenta sa merkado na hindi sumasalubong sa esensya ng makabuluhang sining at para lamang sa ganansya ng iilang mga negosyante.

Ang U.S. at si Marcos Jr. ang nagtutulak sa mamamayang makibaka at tumangan ng armas sa kanayunan upang pabagsakin ang walang kasing sahol na mga militarisasyon ng US. at ng AFP sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Iba’t-ibang porma ng pasismo ang kanilang isinasagawa sa masang api’t lumalaban.

Tanging ang Bagong Hukbong Bayan lamang ang tunay na nakasandig sa interes ng mamamayang Pilipino, ang tunay na Hukbo na maaasahan ng masa at hindi ang mga pasistang tropa ng AFP-PNP.

Kaya naman, ang bawat kasapian ng ARMAS-KT ay buong lakas na nakasuporta sa Bagong Hukbong Bayan at may prinsipyo na ang pagtangan ng armas kasama ang sining at mga panulaan ay ang ating lakas na patuloy na pagtitibayin hanggang sa pagkakamit ng tiyak na tagumpay.



Source link