Teresa Magbanua, rebolusyonaryong lider-kababaihan – Pinoy Weekly


Ipinanganak sa Pototan, Iloilo noong Okt. 13, 1868 si Teresa Magbanua, ang natatanging rebolusyonaryong lider-kababaihan at guro mula Visayas. Ayon sa historyador na si Ambeth Ocampo, kapansin-pansin kung paano hindi nadidiin sa kasaysayan ang kontribusyon ni Magbanua dahil hindi siya mula sa Maynila tulad ng iba pang tinuturing na bayani.

Nagsimula ang kanyang pagsisilbi sa Iloilo bilang guro. Sa kabila ng pribilehiyo ng kanyang pamilya at napangasawa, nakisapi sa Katipunan si Magbanua kasama ang kanyang mga kapatid na lalaki nang umugong sa Iloilo ang planong rebolusyon noong 1898. Nagamit niya ang kanyang kasanayan sa pagsakay sa kabayo at paggamit ng armas mula sa panahon niya sa pamumuno sa pinagmay-aring sakahan ng kanyang asawa.

Pinangunahan niya ang mga labanan sa Barrio Yoting sa Capiz at sa Sapong Hills sa Sara, Iloilo, laban sa mga Kastilang kolonisador. Naging mahalaga ang pagwawagi na ito para sa mga Ilonggo.

Nakilala rin siya sa kilusan rebolusyonaryo bilang Nay Isa at patuloy niyang pinatunayan ang kanyang tikas sa pamumuno hanggang sa tinawag siyang heneral sa kabila ng kawalan ng opisyal na pagtatalaga nito mula sa Katipunan.

Nagpatuloy ang tindig ni Magbanua laban sa mga kolonisador nang sumiklab ang giyera laban sa mga Amerikano. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagbigay siya ng pinansyal na suporta sa mga gerilyang lumaban sa mga Hapones.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!