“Hinahamon namin ang mga kasalukuyang miyembro ng Kongreso na suriing mabuti ang mga kasunduan na ito. Karapat-dapat malaman ng mamamayang Pilipino kung bakit ginagamit ang kanilang pinaghirapang pera para pondohan ang mga proyektong nakakasira sa kapaligiran at para itaguyod ang mga kumpanyang may mga kuwestiyonableng rekord ng transparency sa halip na tugunan ang matinding pangangailangan ng bansa tulad ng edukasyon, pangangalaga sa kalusugan, at tunay na repormang agraryo.”–BAYAN MUNA Partylist 2nd nominee Atty. Carlos Zarate

