Welga na kontra-giyera; welga para sa buhay at kabuhayan


“Hindi kailangang ipagsabong ang tsuper at komyuter. Pwede rin ang fare hike, sa totoo lang, kahit sa kabataan, basta sabayan ito ng wage hike at mas masaklaw na tulong-pinansyal para sa mahihirap.

“Pero hindi nila (pamahalaan) magawa ang mga hakbang na ito dahil inuuna nila ang kita ng negosyo sa krisis at kita ng gobyerno sa buwis. Inuuna nila ang mga bilyonaryo, hindi ang simpleng Pilipino. Kaya lalong makatwiran ang transport strike ng mga tsuper at buo ang suporta ng kabataan dito. Welga na kontra-giyera! Welga para sa buhay at kabuhayan!” — KABATAAN YOUTH PARTY Rep. Atty. Renee Co

Imahe ni Nuel M. Bacarra/Kodao



Source link