Uncategorized

Guro pa rin ang taya? – Pinoy Weekly

Guro pa rin ang taya? – Pinoy Weekly


Sa paghahanda para sa school year 2026-2027, binatikos ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang biglaang pagpasa ng responsibilidad sa pagpapatupad ng Academic Recovery for Accessible Learning (ARAL) sa mga guro. Ayon sa ACT Teachers Partylist, taliwas ito sa paglalaan ng halos P9 bilyong sa programa para kumuha ng mga tutor at pondohan ang kailangang learning materials. 

Kasabay nito, niratsada rin ang three-term school calendar na layon umanong bawasan ang trabaho ng mga guro habang makakapaglaan ng mas maraming oras sa pagkatuto ng mga estudyante. 

Ngunit paano nga ba inihanda ang kaguruan sa mga bagong patakarang ito? Ano rin ang inaasahang insentibo ng mga guro para sa dagdag-trabahong ipinasa sa kanila? 

Kinapanayam ng Pinoy Weekly si ACT national chairperson Ruby Bernardo para ibigay ang pagtingin at paninindigan ng mga guro sa mga usaping ito. 

Ruby Bernardo (RB): Talagang bagsak ‘yong solusyon na inihahain ng Department of Education (DepEd) para sa pagbabawas ng workload, kasi kung [gusto talaga kaming] tulungan ng DepEd, dapat magdagdag ng [teaching personnel] and even ng support education personnel.

Ipinagmamalaki [ng DepEd] na dahil hahatin sa three terms, mayroong 10 araw na term break, pero hindi namin maramdaman kung papaano ba ito mangyayayari [kung] ‘yong 10 days pagkakasyahin na doon ‘yong extracurricular activities, ‘yong ating mga in-service training, ‘yong ating mga ARAL programs and then meron daw wellness break na kasama ‘to. Pero sa siksik na 10 days, I don’t think na lahat nang ‘yon ay kakasya. May computation of grades pa na kasama and all the paperwork, kaya hindi rin namin ma-imagine na makakapagbigay ‘to ng pahinga sa ating mga guro.

Dito sa trimester, sinasabi nila ang rationale ay para punan itong 58 days [na] lost days dahil doon sa mga cancellation of classes. Pero nang tingnan natin itong trimester, hindi s’ya sasapat para sa non-negotiable contact days sa mga bata kasi 173 days lang mayroon pero sinasabi dapat 180 days [ang] non-negotiable. Sa 173 days na iyon siyempre hindi naman mapipipigilan ang mga bagyo o mga lindol, talagang bagsak ‘yong DepEd kasi mismong sila, binawasan na nila ‘yong contact days sa mga bata.

RB: Hanggang ngayon, isang buwan na lang magsisimula na ang klase, ipapatupad na nga [ang trimester system], full implementation without pilot testing, hindi pa rin nakokonsulta ang mga teachers natin. Kami sa ACT, unionized. Sabi sa batas, kapag mayroong mga policies involved sa isang agency, dapat well-consulted ang mga union, pero until now hindi pa rin nakokonsulta ang ACT hinggil dito. In fact, kami ‘yong nasa forefront, ‘yong teachers ang nasa forefront ng implementation, kami ang sasalo ng mga bigat ng mga policy.

Nabalam talaga ‘yong aming supposed vacation dahil sa mga paghahanda [para dito]. Ilang araw din [na] magkakaroon ng mga orientation doon sa ating mga school na napaka-illogical para sa amin at nakakatawa kasi online orientation pero itinutulak ang mga school, ang ating mga teacher, na pumunta ng eskuwelahan para manood daw ng “onsite, online orientation.” Ibig sabihin, magse-set up pa ng mga screen. Masuwerte kung may audiovisual room tayo pero kadalasan mga covered court. Magtitiis sa init pero pupunta ang mga teacher para makinig ng isang online orientation na puwede namang gawin sa bahay.

RB: Ang unang sinisingil namin dito ay [noong] nakaraang taon, second quarter, ipinatupad ito, [DepEd] Secretary [Sonny] Angara said it mismo sa budget hearing na it has zero budget, so [ipinatupad ito] na walang budget. Ang teacher natin ang sumalo, nag-print ng mga material, nagturo lagpas sa oras ng kanilang pagtuturo na na-thank you na lang.

Ngayong summer program sa pangako na hindi raw ito ipapasa sa mga teacher. Pero ang haba-haba ng prusisyon, mukhang sa teacher pa rin ang bagsak ng trabaho dito sa Summer ARAL Program, na hindi na puwedeng sabihing walang budget dahil meron ‘yang P8.96 billion na budget for this 2026. 

Nagkukumahog ang mga teacher natin sa paghahanda ng materials dahil ang ibinigay sa amin, soft copy na naman. So kanya-kanyang print na naman kami ng materials at ‘yong teachers hindi rin sigurado kung meron bang dagdag kompensasyon maliban sa certificate at dagdag service credit. 

Ibang klaseng skill level din ng teacher ang kailangan [para sa ARAL]. Pero sadly, nagkaroon ng orientation two days bago ang implementation, online rin ang naging orientation, online rin ang naging materials at hindi talaga kami nag-e-expect na ang mga teacher ay well-trained para rito.

RB: Una nga sa amin, masingil ‘yong teaching hours na na-overload sa ating mga teacher last year. Pangalawa, hindi puwedeng service credit lang ‘yong ibibigay sa mga teacher natin. Paano naman ‘yong pamasahe ng teacher, ‘yong pagkain niya? Dapat meron din ‘yon at least meal allowance per hour sa araw na papasok siya during ARAL summer days. 

‘Yong ating mga non-DepEd tutors meron silang remuneration na one hour na katumbas ng Teacher I salary pero sabi ng mga principal natin mukhang hindi pa sure kung saan manggagaling ‘yong funds kasi, up to now, nahihirapan silang mag-convince ng mga non-DepEd [tutors] kaya sa mga teacher pa rin pinasalo [ang pagtuturo]. 

RB: Para sa amin wala talagang pinakaepektibo o long-term solution when it comes to learning gaps or learning crisis natin kung hindi punan ‘yong mga basic needs. Kasi hindi naman puwede na tutor tayo nang tutor, nandoon tayo sa mga recovery program na short term lang pero hindi mo ina-address ‘yong basic na pangangailangan. Decades na talaga ‘yong chronic underfunding [sa edukasyon]—mga kakulangan sa classroom, teaching at non-teaching personnel—na ‘yon naman talaga ‘yong problema bakit tayo umabot doon sa 0.4% proficiency level dito sa ating mga senior high school graduate, hindi functional, hindi suitable ‘yong learning environment nila.

At the same time kasama ‘yung overworked-underpaid mo na teacher. Siya ‘yong sumasalo, ‘yong over burden sa kanila nagdudulot ng hindi maabot ‘yong optimum performance din. Kasi kahit naman siguro sino hindi maaabot ‘yong optimum performance kung ganun ‘yong kalagayan—kumakalam na sikmura, may mga anak din na pinapaaral, at the same time mag-aabono ka pa sa eskuwela kahit pampakumpini. That’s too much. Ang totoong recovery program, ‘yong pag-address sa mga deka-dekada nang kakulangan sa mga eskuwela.

RB: May pera sa korupsiyon, ngayon may pera sa giyera, pero wala sa edukasyon, sa salary increase at benefits ng mga teacher natin. Pagdating sa policy, agad-agad, pero pagdating naman sa sahod at benepisyo—makunat na, pabagal-bagal pa.

Kung babalikan natin, lahat ng ito naging pangako ni President Marcos Jr. during campaign period. Sinabi niya na priority ang mga teacher, pero apat na taon na, actually months pa lang pagkatapos niyang maupo, sinabi niya na agad na hindi niya priority ‘yong mga sahod [ng guro], sinabi niya na agad na kailangang i-veto ang isa sa mga benepisyo sana ‘yung [pagtatanggal] ng tax doon sa [election honorarium]. 

Four years up to now, ang napala namin ay ‘yong P50 per day sa ilalim ng Executive Order 64, [pero] kapag pulis at sundalo isang executive order nataasan [na] agad sila ng sahod. Kami, BBM din—barat, barya-barya at makunat na sahod. 

Binigyan niya pa kami ng resigned DepEd secretary na reyna din naman ng confidential funds na walang naging legasiya sa ahensiya kung hindi ‘yong sandamakmak at iba’t ibang porma ng korupsiyon. Kaya talagang lugmok ‘yong kalagayan ng edukasyon natin sa ilalim ni Marcos Jr. Sabi nga namin, mukhang ‘yan ‘yong mukha ng Bagong Pilipinas, at ayaw namin na magpatuloy pa ito sa mga susunod na taon.



Source link

Pinoy Weekly
Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Stay Connected

The PinoyAbrod Daily Brief — in your inbox every morning