Agriculture

Konsultasyong magsasaka sa Nueva Ecija nanawagan na itaas ang presyo ng palay at ibasura na ang Rice Liberalization Law – updates from the peasant movement of the Philippines

Konsultasyong magsasaka sa Nueva Ecija nanawagan na itaas ang presyo ng palay at ibasura na ang Rice Liberalization Law – updates from the peasant movement of the Philippines

Naganap ang Nueva Ecija Rice Farmers Consultation sa Central Luzon State University na dinaluhan ng halos 500 magsasaka, kababaihang magbubukid mula sa iba’t ibang bayan ng probinsya. Sa gitna ng patuloy na bagsak na presyo ng palay at krisis sa bigas dulot ng Rice Liberalization Law, nagtipon ang mga magsasaka upang ipahayag ang kanilang hinaing, ibahagi ang kanilang karanasan, at magkaisa sa panawagan para sa mas mataas na presyo ng palay at pagbabasura sa RA 11203 na nagwasak sa kabuhayang ng mga magsasaka at manggagawang bukid sa mga palayan.

Bahagi rin ng konsultasyon ang kanilang nagkakaisang tindig ng mga magsasakang Novo Ecijano laban sa korapsyon at pagnanakaw ng buwis ng taumbayan. “Habang namamalimos ang mga magsasaka ng ayuda at kompensasyon sa mga nababaha at nalulubog na mga palayan at sakahan, multibilyon ang kinukurakot ng mga kawatan sa gobyerno. Dapat natin itong tutulan at labanan,” ayon sa mga magsasaka.

Pinagtibay rin sa konsultasyon ang paninindigan ng mga magsasaka na igiit ang pagbabasura ng Rice Liberalization Law o RA 11203. Mula sa kanilang panimulang sama-samang pagkilos, ipinakita ng mga magsasaka ng Nueva Ecija ang determinasyon na itaguyod ang mga maka-magsasakang solusyon sa krisis sa bigas at pagkain kabilang ang pagtataguyod ng tunay na reporma sa lupa, pagsuporta sa Rice Industry Development Act at iba pang panawagan ng masang magbubukid. Nagbigay ng kanilang mensahe ng pakikiisa sa mga magsasaka sina Sen. Kiko Pangilinan, Sen. Lito Lapid, Rep. Jay Vergara ng Nueva Ecija at Rep. Sara Elago ng Gabriela Women’s Party.

Ang konsultasyong magsasaka ay pinagtulungan ng Bantay Bigas, Nagkakaisang Magsasaka Novo Ecijano, Utak Magsasaka Novo Ecijano, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. Nakiisa rin ang mga organisasyon kabilang ang BAYAN Central Luzon at Alyansa ng Magbubukid sa Gitnang Luzon at iba pang opisyal at Munoz City LGU. ###

Source link

Kilusang Magbubukid ng Pilipinas
Kilusang Magbubukid ng Pilipinas

The Kilusang Magbubukid ng Pilipinas or Peasant Movement of the Philippines (KMP) was founded at a time of great political upheaval and broad mass movement against the tyranny and abuses of the Marcos dictatorship. Hundreds of peasant leaders and land reform advocates from Luzon, Visayas, and Mindanao gathered during the historic founding of KMP on July 24, 1985. After thirty five years, KMP remains as the largest national democratic mass organization of peasants in the Philippines.

Stay Connected

The PinoyAbrod Daily Brief — in your inbox every morning