Talamak na prostitusyon, sexually-transmitted diseases, mga batang walang lehitimong ama. Ilan lamang ito sa anti-sosyal na gawain ng mga sundalong Amerikano sa bansa noong naririto pa ang malalaking baseng military ng US.
Ngayong bumabalik ang mga ito sa katawang EDCA sites, balik-tanawin ang isa sa mga kasalanan ng US laban sa mga Pilipino, dito sa ika-11 sa serye ng maigsing dramang panradyo na unang inilabas ng Kodao noong 2001.
Muling inilalathala ito sa gitna na tumitinding presensiya ng militar ng US sa bansang Pilipinas.
[Unang larawan ay kuha ni Dabet Castaneda/Bulatlat Pangalawang larawan ay kay H. Fernandes mula sa Memories of Old Manila &Beyond/FB Pangatlong larawan ay mula sa Turismo Central Luzon/FB Pang-apat ay mula sa Philippines Expats/FB]
