Agriculture

Mga magsasaka, suportado ang programa para sa pambansang demokrasya – updates from the peasant movement of the Philippines

Mga magsasaka, suportado ang programa para sa pambansang demokrasya – updates from the peasant movement of the Philippines

Mariing ipinahayag ng mga magsasaka sa ilalim ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang kanilang buong suporta sa programang inihahain ng Makabayan bilang konkretong alternatibo sa kasalukuyang bulok na pampulitika at pang-ekonomiyang kalagayan ng bansa. Kaisa ang KMP sa panawagan ng BAYAN na magbitiw na sina Marcos at Duterte at panagutin ang lahat ng sangkot sa korapsyon.

Ayon sa KMP, tumitindig ang mga panukala at alternatibo ito para sa interes ng malawak na masang anakpawis—lalo na ang mga magsasaka na matagal nang naghahangad ng tunay na reporma sa lupa, katarungang panlipunan, at pambansang soberanya.

Kabilang sa mga pangunahing puntong sinusuportahan ng KMP ang mga sumusunod:

1. Kapangyarihan sa taumbayan! Ipaglaban ang gobyernong makabayan! Wakasan ang paghahari ng mga dayuhan at iilan, buwagin ang mga political dynasties at panagutin ang mga korap at nang-abuso sa pwesto. Buwagin ang pork barrel system at mga sanhi ng korapsyon sa gobyerno. Kamtin ang tunay na kapangyarihan ng taumbayan lalo na ang mga manggagawa magsasaka, maralita, katutubo, kabataan, kababaihan at iba pang inaapi.

2. Ekonomiyang makabayan, wakasan ang kahirapan! Isulong ang pambansang pag-unlad na nakabatay sa tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon. Wakasan ang dayuhang dikta sa ekonomiya at unahin ang interes ng Pilipino. Buwagin ang pyudalismo sa kanayunan na batayan sa pag-iral ng mga political dynasties.

3. Kagyat na ginhawa para sa taumbayan! Itaas ang sahod at sweldo para sa mga manggagawa at kawani. Ibasura ang mga labis na buwis na pabigat sa mamamayan. Gawing libre ang mga batayang serbisyo lalo na ang edukasyon at kalusugan. Gawing pag-aaring publiko ang kuryente, tubig, at transportasyon at paglingkurin ang mga ito para sa interes ng taumbayan.

4. Ipaglaban ang pambansang soberanya! Itaguyod ang independyenteng patakarang panlabas at ibasura ang lahat ng hindi pantay na kasunduan sa mga dayuhan. Itaguyod ang diplomasya bilang instrumento ng paglutas ng sigalot. Wakasan ang presensya ng dayuhang base at tropa ng US. Itaguyod ang sovereign rights sa West Philippine Sea.

5. Pangalagaan ang kalikasan! Itaguyod ang karapatan sa ligtas na kapaligiran, itigil ang mapanirang programa sa kalikasan, ibasura ang mga mapanira at makadayuhang batas sa kalikasan, at itaguyod ang batas na maka-kalikasan.

6. Itaguyod ang karapatang pantao at kamtin ang makatarungang kapayapaan! Ipaglaban ang hustisya para sa lahat ng biktima ng paglabag sa karapatang pantao. Itaguyod ang karapatan ng mga Pambansang Minorya at mamamayang Moro. Buwagin ang mga instrumento ng human rights violations tulad ng NTF-ELCAC at Anti-Terror Law. Muling buksan at ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan.

7. Isulong ang paglaya ng kababaihan at LGBTQ at ang laban kontra sa diskriminasyon, pagsasamantala at pang-aabuso.

8. Itaguyod ang kultura’t edukasyong makabayan! Suportahan ang sining at kulturang naglilingkod sa taumbayan at pambansang paglaya. Isulong ang makabayan, siyentipiko at makamasang edukasyon bilang pambansang patakaran.

Ayon sa KMP, ang mga puntong ito ay malinaw na magsisilbing gabay ng itatayong Transition Council na dapat kasama ang mga batayang sektor kasama ang mga magsasaka. Sa gitna ng nagpapatuloy na krisis sa agrikultura, nanawagan ang grupo sa malawak na mamamayan na suportahan ang mga tunay na maka-mamamayan at makabayang reporma at sama-samang kumilos. ### 

Source link

Kilusang Magbubukid ng Pilipinas
Kilusang Magbubukid ng Pilipinas

The Kilusang Magbubukid ng Pilipinas or Peasant Movement of the Philippines (KMP) was founded at a time of great political upheaval and broad mass movement against the tyranny and abuses of the Marcos dictatorship. Hundreds of peasant leaders and land reform advocates from Luzon, Visayas, and Mindanao gathered during the historic founding of KMP on July 24, 1985. After thirty five years, KMP remains as the largest national democratic mass organization of peasants in the Philippines.

Stay Connected

The PinoyAbrod Daily Brief — in your inbox every morning