Uncategorized

‘Alipato at Muog’, ‘Tumandok’, humakot sa Gawad Urian – Pinoy Weekly

‘Alipato at Muog’, ‘Tumandok’, humakot sa Gawad Urian – Pinoy Weekly


Umani ng mga mayor na pagkilala ang mga pelikulang “Alipato at Muog” ni JL Burgos at “Tumandok” nina Richard Salvadico and Kat Sumagaysay sa 48th Gawad Urian na ginanap sa De La Salle University-Manila nitong Okt. 11.

Parehong kalahok ang dalawang mapangahas na pelikula sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival noong nakaraang taon na nag-uwi rin ng mga parangal kabilang ang Best Picture para sa “Tumandok” at Special Jury Prize para sa “Alipato at Muog”.

Iginawad sa dokumentaryo tungkol sa paghahanap sa dinukot na kaanak na “Alipato at Muog” ang mga karangalang Best Picture, Best Documentary at Best Editing, habang nanalo ang docu-fiction tungkol sa buhay, kultura at pakikibaka ng mga katutubong Ati na “Tumandok” ng Best Direction, Best Supporting Actor para kay Felipe Ganacial, Best Cinematography at Best Music.

Paggawad ng pagkilalang Best Direction kina Kat Sumagaysay (pangatlo mula kaliwa) at Richard Salvadico (pangalawa mula kanan)para sa docu-fiction na “Tumandok” sa 48th Gawad Urian. Charles Edmon Perez/Pinoy Weekly

Ayon sa mga direktor ng dalawang pelikula, malaking karangalan ang mga pagkilalang natanggap mula sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino dahil may personal kahalagahan sa kanila ang kani-kanilang obra.

Ginawaran din ng Natatanging Gawad Urian (Lifetime Achievement Award) ang beteranong aktor na si Dante Rivero para sa kanyang ambag sa pelikulang Pilipino sa kanyang higit anim na dekadang karera. Aktibo pa rin si Rivero at mapapanood sa seryeng “Batang Quiapo” na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Si JL Burgos (gitna) sa pagtanggap ng karangalang Best Picture para sa “Alipato at Muog” kasama ang iba pang nagwagi sa 48th Gawad Urian. Charles Edmon Perez/Pinoy Weekly

Pinarangalan din ng Urian sina Dennis Trillo sa “Green Bones” bilang Best Actor, Arisa Nakano sa “Kono Basho” bilang Best Actress, Kakki Teodoro sa “Isang Himala” bilang Best Supporting Actress. Emosyonal namang tinanggap ng anak ni Felipe Ganancial na si Cathy Ganancial ang parangal na Best Supporting Actor para sa amang yumao nitong Mayo.

Kinilala rin sa Gawad Urian ang mga pelikulang “Kono Basho” bilang Best Cinematography, “Green Bones” bilang Best Production Design, “The Hearing” bilang Best Sound at “Bisan Abo, Wala Bilin” bilang Best Short Film.



Source link

Pinoy Weekly
Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Stay Connected

The PinoyAbrod Daily Brief — in your inbox every morning