Ni Ibarra Banaag
Laruan sa pagtahan,
Kaya’y tsinelas sa paa,
Halik sa matinding inip,
Yakap at tapik sa balikat,
Haplos sa pamumulikat,
Kaya’y ugoy sa tanghali,
Kumot sa gabing malamig.
Sabihin na panandalian,
Epekto’y walang hanggan,
Tulad ay gatas sa dibdib,
Panatag sa paglimlim.
Sa silong ng macopa,
Sa kubli ng kamagong,
O tampisaw sa batis,
At ngiti mong matamis.
Ang lasing na bubuyog,
Isdang hindi malunod,
Sa lingkis ng pag-ibig,
Ay titig na malagkit.
–Disyembre 2, 2024
