Ang Bayan » 75-anyos na lider-magsasaka sa Bohol, inaresto sa gawa-gawang kaso

May 26, 2023


Nireyd ng pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Philippine National Police (PNP) ang bahay ni Adolfo Salas Sr, 75 anyos, kilala rin sa tawag na Tatay Opong, sa Purok 5, Barangay Tubod, Candijay, Bohol kaninang ala-1 ng madaling araw. Hinalughog ang kanyang bahay sa bisa ng isang search warrant at pinalalabas na nakuhaan ng pistolang kalibre .45 at isang kalibre .38, maraming bala at isang granada.

Kinundena ng mga kaanak at ng Karapatan-Central Visayas ang hindi makatarungang pagdakip sa matandang si Tatay Opong. Anang kanyang mga kaanak, walang katotohanan ang pinalalabas na mga armas na nasamsam sa bahay na pawang itinanim lamang ng pulis. Kasalukuyan siyang nakapiit sa Camp Francisco Dagohoy, Tagbiliaran City.

Si Tatay Opong ay isa sa mga kasaping tagapagtatag ng pamprubinsyang balangay ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas na Hugpong sa mga Mag-uumang Bol-anon (HUMABOL-KMP) at dating tagapangulo ng Alayon sa mga Mag-uuma sa Candijay (AMACAN-HUMABOL-KMP).

Salaysay pa ng mga kaanak, habang isinasagawa ang reyd sa bahay ay nagpakita ng isang bidyo ang isa sa mga operatibang pulis na nagpapakita ng paglahok ni Tatay Opong sa isang rali sa Tagbilaran City noong Oktubre 2022. Hinanap din umano sa kanila ang isang lider ng Bayan Muna sa prubinsya at ang bagong halal na mga upisyal ng HUMABOL.

Dumanas si Tatay Opong ng matinding panggigipit mula sa pulis at militar sa nagdaang mga taon bago nireyd ang kanyang bahay. Ilang ulit din umano siyang kinumbinsi na “sumuko” at magpailalim sa atas ng mga pwersa ng estado.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Top Russian Diplomat Arrives in New York — Foreign Ministry

Russian Foreign Minister Sergey Lavrov has arrived in New York

US Rules-Based Order Needs Rethinking: The Nation

As the geopolitical landscape shifted over the past decade and