Ang Bayan » Araw ng kawalan ng lupa, ginunita sa Pilipinas

April 1, 2023


Nagsagawa ng mga protesta ang mga magsasaka sa Pilipinas noong Marso 29 bilang pakikiisa sa mga magsasaka sa buong mundo sa taunang Internasyunal na Araw ng Kawalan ng Lupa.

Sa Metro Manila, nagtungo sa Department of Agrarian Reform ang mga magsasaka sa ilalim ng Kilusang Magbubukid sa Pilipinas at ibang mga demokratikong grupo para igiit ang programa sa tunay na agraryo sa lupa bilang pampalit sa huwad ng Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP.

Sa Bicol, nakiisa ang mga magsasaka sa pamamagitan ng protestang bukid at mga talakayan sa komunidad ng Genuine Agrarian Reform Bill o GARB – HB1106 at iba pang isyu ng mga magsasaka. Panawagan nila na itigil ang kumbersyon sa mga lupang sakahan.

Sa Cavite, nagsagawa ang mamamayan ng Lupang Ramos ng protestang bukid kasama ang Kasama-Timog Katagalugan sa bungad ng 372-ektarya ng Lupang Ramos. Sa Panay, pinangunahan ng Pamanggas ang pagkilos ng mga magsasaka.

“Lagi nang ipinipilit ng mga monopolyong korporasyon, imperyalistang institusyon at mga pambansang gubyerno ang neoliberal na balangkas at oryentasyon bilang malaki at “bagong” solusyon sa lumalalang kalagayan ng planeta at pandaigdigang krisis sa ekonomya,” pahayag ng iba’t ibang grupong magsasaka sa mundo. “Pero nakita na ng mamamayan sa kanayunan ang kawalang-ugnay ng mga teknoloiya ng malalaking korporasyon at pangangailangan ng mga magsasaka. Ang mga ito (teknolohiya) ay nagpalalalamang sa gutom, kawalang-lupa at ginawang mas bulnerable ang mga komunidad (ng magsasaka) sa climate change.”

“Ang kawalan ng tunay na reporma sa lupa at pag-unlad sa kanayunan ay nagpalala sa gutom at kahirapan,” dagdag nila. Sa ngayon, tinatayang mayroong 800 milyong mamamayan sa buong mundo na dumaranas ng gutom dulot ng pagkontrol ng mga korporasyon sa lupa, karagatan, pagkain at agrikultura.

Sa Pilipinas, kabilang sa pinakamahirap sa bansa ang mga mangingisa at magsasaka. Ayon mismo sa datos ng Philippine Statistics Authority noong 2021, mahigit 30.6% ang tantos ng kahirapan sa mga mangingisda, kasunod sa mga magsasaka (30%), mga bata (25.4%) at mamamayang naninirahan sa kanayunan (25.7%).

Ang mga taya na ito ay itinuturing ng KMP na konserbatibo at mas malala sa aktwal. Ayon sa grupo, ang kahirapan ng mga masasaka, mangingisda at mga komunidad sa kanayunan ay “di halos mawari (unimaginabe) at hindi basta lamang magtatantya sa pamamamgitan ng mga datos at estadistika lamang.”

“Milyun-milyong ektaryang lupa na tinamnan ng mga staples, palay at pagkain, gayundn ang mga lupang ninuno at pampublikong lupa, ang inagaw at ginawang mga plantasyon, minahan at sakahang nakatuon sa cash crop para sa eksport,” ayon sa KMP.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Karangalan sa mga iregular – Pinoy Weekly

Parang meron kang iba’t ibang buhay kapag iregular kang estudyante.

VERA FILES FACT CHECK: Ayungin Shoal is part of the Philippines’ EEZ, contrary to claim of China’s foreign ministry spokesman

Wang Wengbin, spokesperson of China’s Ministry of Foreign Affairs, has