Ang Bayan » Dalawang kabataang aktibista, dinukot sa Cagayan

May 26, 2023


Dinukot ng mga ahente ng estado at hanggang ngayon ay hindi pa inililitaw sina Cedrick Casaño at Patricia Nicole Cierva na kapwa organisador ng mga magsasaka at kabataan sa Barangay Cabiraoan, Gonzaga, Cagayan. Ayon sa mga residente, huling nakita ang dalawa noong ika-18 ng Mayo. Hinihinalang mga elemento ng 501st Infantry Brigade ang dumukot sa kanila.

Si Cierva at Casaño ay kapwa nag-oorganisa sa hanay ng mga kabataan at magsasaka sa Cagayan.

Si Cierva ay dating lider-estudyante sa University of the Philippines-Manila at noo’y nagsilbing pangkalahatang kalihim ng Katipunan ng Sangguniang Mag-aaral sa UP (KASAMA sa UP), alyansa ng mga konseho ng mag-aaral sa buong UP system.

Panawagan ng Karapatan Cagayan Valley, mga kasama, kaibigan, at kaanak ni Cierva at Casano ang kagyat na pagpapalaya sa kanila. Dagdag pa ng grupo, lalong nakapapangamba ang pagdakip dahil sa deklarasyon ng AFP na “dudurugin nito ang rebolusyonaryong kilusan sa hilagang silangang bahagi ng Luzon gamit ang anumang paraan.”

Samantala, nagpahayag din ng pangamba ang grupong Taripnong-Cagayan Valley. Ayon sa kanila, “papapanagutin namin ang AFP kung magbubulag-bulagan sila sa pagsunod sa tamang mga protokol at kung isasapanganib nila ang kaligtasan nina Casano at Cierva.”

Ang pagdukot at sapilitang pagwala sa kina Cierva at Casaño ay dagdag sa papadaming kaso ng iligal na pagdukot o pag-aresto sa hanay ng mga organisador, human rights defender, at sibilyan sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ito ay malinaw na paglabag ng AFP at mga pwersa ng estado sa karapatang-tao.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

VERA FILES FACT CHECK: Video shows Italian Navy frigate, NOT ‘Pinoy-made’ warship

A YouTube video featured an Italian Navy warship and passed

Putin and Modi Review the Outcome of the 15th BRICS Summit | News

On Monday, Russian President Vladimir Putin held talks with Indian