Ang Bayan » Dalawang kabataang babae, ginahasa ng mga sundalo ng 94th IB

October 26, 2023


Ginahasa ng mga sundalo ng 94th IB ang dalawang babae, kung saan isa ay menor-de-edad, sa Barangay Carabalan, Himamaylan City, Negros Occidental noong huling linggo ng Agosto ayon sa reklamo na natanggap ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-South Central Negros. Kabilang sa mga biktima ang isang 15-anyos na dalagita.

Naganap ang panggagahasa nang magdaos ng bayle (sayawan) ang mga sundalo sa barangay noong huling linggo ng Agosto. Sa gabi ng sayawan, nasaksihan ng mga residente ang paglapit ng limang lalaking nakasibilyan na sundalo ng 94th IB at pilit na hinawakan ang kamay ng isang dalagita (15 anyos) at isa naman na 18-21 anyos, para pwersahing sumama sa kanila.

Ayon sa mga residente, namukhaan nila ang lima at tinukoy ito bilang myembro ng 94th IB dahil kasama sila sa nagsasagawa ng Retooled Community Support Program (RCSP) sa kanilang lugar. Kinaumagahan, kumalat sa buong sityo at karatig sityo nito ang nangyari sa mga dalaga. Ayon sa pamilya ng mga biktima, pinauwi ang mga dalaga na suot ang uniporme ng militar matapos silang gahasain.

Isang araw matapos ang insidente, dahil sa kahihiyan at hindi maiwasang pagkalat ng balita, biglaang iniatras ang yunit ng RCSP ng 94th IB sa nasabing lugar at higit isang linggo bago sila ulit makabalik.

Ginagamit ng AFP ang mga aktibidad tulad ng bayle at pagpapalaro ng basketbol sa mga kabataan sa imbing layunin kunin ang loob ng mga residente ng barangay. Ito ay matapos ang walang-tigil na operasyong kombat na pumerwisyo sa kanila mula Hulyo 25 hanggang Setyembre. Nagkampo ang mga sundalo sa simbahan at kabahayan ng magsasaka sa Sityo Cunalom-Lunoy sa panahong ito.

Sa panahon ng operasyong militar, naiulat ng mga residente ang hindi makatarungang pag-aresto sa dalawang matanda, panggigipit sa anim na magsasaka, at mga tinatawag nitong “loud speaker operations” kung saan nagpapakalat ng kasinungalingan ang 94th IB.

Samantala, binatikos ng BHB-South Central Negros ang pagtuturo ng Philippine National Police (PNP) Himamaylan City sa Pulang hukbo bilang sangkot sa krimen ng panggagahasa sa isang “imbestigasyon” nito. Anito, ginagamit itong taktika ng pulis para tanggalin ang pananagutan sa 94th IB at dungisan ang pangalan ng hukbong bayan.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Ang Bayan Ngayon » 2,700 residente, apektado ng aerial bombing ng 54th IB sa Kalinga

Takot at gambala sa buhay at kabuhayan ng mamamayan ng

Death Toll In Sudan Clashes Rises To 436 – Doctors Committee

Sudan’s Central Committee of Doctors (CCSD) reported on Monday that