Ang Bayan » Higit ₱10 bilyong halaga ng gamot at bakuna, sinayang ng DOH


Bilyun-bilyong halaga ng gamot at bakuna ang sinayang ng Department of Health noong nakaraang taon dulot ng “sobrang paggasta, di maayos na proseso ng procurment at palpak na distribusyon at sistema ng pagmonitor.” Ayon sa Commission of Audit (CoA) na nagsagawa ng awdit dito, nagresulta ito sa “pagwawaldas ng pondo at rekurso ng gubyerno.”

Sa 2022 taunang awdit o pagtutuos ng COA, napag-alaman nitong ang DOH ay may ₱2.3 milyong halaga ng mga gamot ang expired na, ₱203.6 milyon ang sobra-sobra ang stock, ₱5 bilyon ang hindi kaagad naipamahagi at ₱1.5 bilyon ang di naipamahagi.

Liban dito, napag-alaman din ng COA na may ₱9.75 milyong dosis ng mga bakuna laban sa COVID-19 ang nawaldas at ₱3 bilyong halaga ng mga bakuna ang di nagamit. Bulto ng nasayang na bakuna ay nasa Metro Manila (3.72 milyong dosis), sunod sa Central Luzon (3.56 milyong dosis), Eastern Visayas (1.67 milyong dosis) at Caraga (786,000 dosis).

Ayon sa COA, ang di nagamit na mga dosis ay dulot ng pamamahagi sa mga ito ng National Vaccination Operations Center nang malapit na sa petsang mapapaso na, kundiman paso na.

Dagdag dito, napag-alaman din ng COA na hindi ginasta ng DOH ang ₱3.056 bilyong badyet na inilaan dito bilang tugon ng gubyerno sa pandemya noong 2022. Dahil di ginasta, ang ₱2.14 bilyon sa pondo ng ahensya ay ibinalik na sa pambansang gubyerno. Ibig sabihin, hindi na buong maipatutupad ang mga proyekto, programa at aktibidad na marapat ginamitan ng naturang pondo.

Ang di mahusay na paggamit ng DOH ng pondo at pagsasayang ng kinakailangang mga gamot at rekurso ay bahagi ng kapalpakan estado na tugunan ang karapatan sa kalusugan ng mamamayan. Habang sinasayang ng DOH ang mga gamot at rekurso nito, mayorya ng mga Pilipino ang kinailangang gumasta mula sa kanilang bulsa dahil sa kasalatan ng mga serbisyo at gamot ng lokal na mga health center laluna sa kanayunan.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!