Ang Bayan » Hustisya para sa mga biktima ng masaker sa Sagay, muling ipinanawagan


Sa ika-5 anibersaryo ng Masaker sa Sagay, muling ipinanawagan ng mga grupong magsasaka ang hustisya para sa siyam na magsasaka at manggagawang bukid na pinaslang ng mga sundalo at paramilitar sa Hacienda Nene, Barangay Bulanon, Sagay City, Negros Occidental noong Oktubre 20, 2018.

Kasama sa mga pinaslang sa Sagay ang apat na babae at dalawang menor-de-edad. Mga myembro sila ng National Federation of Sugar Workers (NFSW) na nagsasagawa noon ng bungkalan o sama-samang pagsasaka sa lupa.

Ang naturang lupa ay tatlong beses nang binigyan ng Department of Agrarian Reform ng “notice of coverage” na ibig sabihin ay dapat na itong ipamahagi sa mga magbubungkal. Gayunpaman, tatlong beses din itong kinansela ng parehong kagawaran at nanatiling nasa kamay ng panginoong maylupa.

“Ang kakulangan ng ahensya ng DAR at ng gubyerno para suportahan ang pangangailangan ng mga magsasaka ang nagtutulak sa kanila na maghanap ng mga alternatibong mapagkakakitaan para ibsan ang gutom at kahirapan na resulta ng kawalan ng lupa, di nakabubuhay na sahod at mga benepisyo at kawalang trabaho sa panahon ng tiempo muerto,” pahayag ng NFSW.

“Ang mag-organisa ay sinusupil, at ang maggiit ng karapatan ay pinapatay—ito ang sinapit noong 2018 ng Sagay 9,” pahayag naman ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura. “Wala pa ring lupa ang pito sa kada 10 pesante, at itinutulak sila ng gayong abang kalagayan sa mapansamantalang relasyong sahuran.

Sa Negros, ang sentro ng mga asyenda sa bansa, mapalad na ang magtutubong tumatanggap ng ₱1,500 sa isang linggo—mababa pa sa minimum na sahod sa rehiyon na kung tuparin man ay sahod-alipin lamang.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!