Ang Bayan » Isang katutubo, dalawa pang magsasaka, pinatay ng 15th IB


Magkakasunod na kaso ng pagpatay ang naitala sa timog na bahagi ng Negros Occidental simula Mayo 21. Walang-awang pinatay ng mga sundalo ng 15th IB na naglulunsad ng operasyong kombat ang isang tumandok at dalawang magsasaka sa Sipalay City at Cauayan.

Pinagbabaril ng mga sundalo ang tumandok na si Gusting Mapos sa Sityo Bajay, Barangay Caliling, Cauayan, Negros Occidental noong Mayo 21, alas-3:30 ng hapon. Ayon sa mga residente, papunta si Mapos sa kanyang uma nang makaslaubong ng mga sundalo at basta na lamang pinagbabaril.

Para bigyang katwiran ang kanilang brutal na krimen, pinalalabas ng 15th IB na mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) si Mapos at napatay sa isang “engkwentro” sa naturang lugar. Pinabulaan naman ito ng BHB-Southwest Negros at sinabing walang engkwentrong naganap dito dahil walang yunit ng BHB sa panahong iyon sa lugar.

Tulad ng nakagawian ng mga sundalo, pinalalabas pang nakakumpiska ng isang kalibre .45, isang command-detonated explosive at blasting cap, dalawang magasin, mga bala at isang bakpak mula sa biktima. Labis ang pagtanggi ng mga residente ng komunidad na nagkaroon ng engkwentro.

Sa Sipalay City, dinakip ng 15th IB si Jonel Bayno, 27 anyos, residente ng Barangay Manlucahoc at nakita na lamang ang kanyang nakahandusay na bangkay sa Crossing Tanduay, Barangay Camindangan noong Mayo 25.

Ilang araw matapos nito, dinakip din ng mga sundalo si Rogelio Lacton, residente ng Barangay Camindangan at natagpuang patay at nakahandusay ang bangkay sa Sitio Sadlum sa naturang barangay noong Mayo 27.

Ang kriminal at brutal na pagpatay sa mga sibilyan ay labag sa internasyunal na makataong batas at Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL).

Nilabag nito ang Ika-4 na Bahagi, Artikulo 4, Numero 4 ng CARHRIHL: “Ang sibilyang populasyon at mga sibilyan ay itatrato bilang sibilyan at ipag-iiba sa mga mandirigma at, kasama ang kanilang ari-arian, ay hindi maaaring atakihin.”

Ayon sa ulat, simula pa Abril 23 ay naglulunsad na ng nakapokus na operaysong militar ang 15th IB sa Cauayan at Sipalay City. Sinasaklaw ng mga operasyon nito ang hindi bababa sa 46 sityo sa pitong barangay sa bayan ng Cauayan, habang hinahalihaw nito ang pitong sityo sa Barangay Camindangan, Sipalay City.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!