Ang Bayan » Isang lolo at apong 2-taon, pinatay ng 63rd IB

October 20, 2023


Pinaslang sa pamamaril ng mga sundalo ng 63rd IB si Ronie Obiado at ang kanyang 2-taong gulang na apo na si Intoy sa Sityo Salvacion, San Jose de Buan, Western Samar noong Setyembre 25. Nakatakbo papalayo sa bahay na pinagbabaril ang asawa ni Obiado ngunit hindi pa ito nakikita hanggang ngayon. Nakaligtas din sa pamamaril ang mga magulang ni Intoy.

Sa ulat ng anak ni Obiado, pagpasok pa lamang ng mga sundalo sa kanilang tinitirhan ay nagpaputok kaagad ang mga ito. Naniniwala ang pamilya na ang pang-aatake na ito ay ganting-salakay ng 63rd IB sa mga sibilyan matapos na mapatayan sila sa dalawang magkasunod na sagupaan sa pagitan nito at yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Western Samar noong Setyembre 23 at 24.

Ang pagdamay at sadyang pag-atake sa mga sibilyan sa lugar kung saan may armadong sigalot ay paglabag sa internasyunal na makataong batas. May natatanging proteksyon na tinatamasa ang mga bata at babae ayon sa Declaration on the Protection of Women and Children in Emergency and Armed Conflict ng United Nations General Assembly noong Disyembre 14, 1974.

Ayon dito, isang krimen sa digma ang “lahat ng porma ng panunupil at malupit at hindi makataong pagtrato sa kababaihan at mga bata, kabilang ang pagkukulong, tortyur, pamamaril, maramihang pag-aresto, kolektibong pamamarusa, paninira sa tirahan at pwersahang pagbabakwit, na isinagawa ng mga pwersang belligerent sa kasagsagan ng operasyong militar nito (Bilang 5).”

Naghabi naman ng kwento ang 802nd IBde, kung saan nakapailalim ang 63rd IB, na sinabing isang mandirigma ng BHB ang napatay na si Obiado. Gumawa ito ng kwento na nakasagupa diumano ng 63rd IB ang umano’y “15 armadong mandirigma” na tumagal ng 20 minuto. Karaniwan nang taktika ng AFP ang pagpapakana ng mga pekeng engkwentro para pagtakpan ang mga pagpatay ng mga yunit nito sa mga sibilyan.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Marcos’ gamble on Gadon – VERA Files

President Ferdinand Marcos Jr. must be feeling lonely at the

Adolescent Pregnancy Prevention Act approved in third and final reading

A pregnant young mother on her last three months of