Ang Bayan » Kabataang Makabayan, nagraling-iglap sa kampus ng PUP


Nagsagawa ng raling-iglap ang mga kasapi ng Kabataang Makabayan (KM)-Balangay Kira Mindoro sa kampus ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Sta. Mesa, Manila ngayong araw, Nobyembre 29. Ang rali ay bahagi ng pagdiriwang ng KM sa ika-59 anibersaryo nito bukas, Nobyembre 30.

Nanawagan ang balangay sa mga kapwa kabataan na sumapi sa kanilang hanay upang isulong ang demokratikong rebolusyong bayan laban sa papet at pahirap na rehimeng US-Marcos at malakolonyal at malapyudal na lipunang kinakatawan nito.

Pinarangalan rin nito ang mga kapwa mag-aaral ng PUP na sina Queenie Daraman (Ka Kira), Arc John Varon (Ka Hunter) at iba pang mga martir na kabataang nagsilbing mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB).

Sa talumpati ng isang kasapi ng balangay, sinabi niyang walang kinabukasang naghihintay sa kabataan sa paaralan na itinuturing silang mga makinang magpapatibay sa kadenang kolonyal at ibinibilibid ang sambayanan sa kronikong krisis ng isang abnormal na sistemang panlipunan.

Hamon niya sa mga kapwa kabataan na “ialay ang buhay sa pagtatagumpay ng uring anakpawis at buong tapang na bagtasin ang makabuluhang landas na tinahak nila Ka Kira at Ka Hunter.” Nagkakamali umano ang inutil na rehimen sa pag-aakalang mapatatahimik at mapipigilan ang mga kabataan sa pagiging kritikal at progresibo sa kampanyang panunupil at kontra-insurhensya.

Aniya, walang ibang paraan para makamit ang mga pangarap ng mga kabataan kundi ang paglahok sa armadong pakikibaka, at pagtatagumpay nito.

Bago pa man ang raling-iglap ay nagsagawa na ng mga aktibidad ang mga kasapi ng KM-Kira Mindoro sa loob ng kampus ng PUP. Nagsagawa ng OPOD (oplan pinta-oplan dikit) ang balangay sa loob ng kampus at ipininta ang mga panawagang ‘Isulong ang digmang bayan!’ ‘KM@59’ at pagpapabagsak sa naghaharing bulok na estado.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!