Ang Bayan » Mamamahayag sa Metro Manila, muling ginigipit

October 25, 2023


Muling kumakaharap sa panggigipit ang mamamahayag na si Lady Ann Salem, patnugot ng Manila Today, matapos maghain ng apela ang Office of Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema noong Setyembre para baligtarin ang desisyong palayain si Salem at kasama niyang hinuli na si Rodrigo Esparago, isang organisador ng manggagawa. Inaresto ang dalawa sa mga kasong illegal possession of firearms and explosives noong Disyembre 2020.

Inihain ng OSG ang apela nito dalawang linggo matapos matalo sa petisyon para sa creatori sa Court of Appeals na humihiling na muling buksan ang mga kaso laban kina Salem at Esparago, dalawa sa tinaguriang “HRDay7” o mga aktibistang iligal na inaresto noong Disyembre 10, 2020. Ang writ of creatori, kung ipagkakaloob ng korte, ay mag-aatas sa mas mababang korte na ibigay ang lahat ng mga dokumentong may kaugnayan sa kaso sa mas mataas na korte para irebyu.

Sa ibinasurang apela, inakusahan ng OSG si Mandaluyong Regional Trial Court Branch 209 Judge Monique Quisumbing-Ignacio ng labis na pag-abuso sa pagwawalang-bisa sa mga mandamyento de arestong ginamit laban kina Salem at Esparago. Ang desisyong ito ng husgado ang nagpalaya sa dalawang biktima matapos ang halos tatlong buwang pagkakakulong. Iginiit ng OSG na dapat muling buksan ang kaso sa antas ng trial court.

Sa muling pag-apela ng OSG sa Korte Suprema, parehong mga argumento ang ginamit nito para muling pabuksan ang naturang mga kaso. Ang mga puntong ito rin ang sinagot ng Court of Appeals at kumatig sa desisyon ng trial court pabor kina Salem at Esparago.

Ayon sa grupong Karapatan-National Capital Region sa isang panayam sa alternatibong midya, kabalintunaan na ang estado ay paulit-ulit na nag-aapela sa kasong ito gamit ang pondo ng bayan at rekursyo ng gubyerno para lamang igiit ang gawa-gawang mga kasong ito laban kina Salem at Esparago.

Samanatala, ipinabatid naman ni Salem ang kanyang pag-asa na muli silang mananalo sa kaso, “na mananaig ang katotohanan at ang hustisya, at nawa ang katulad na tagumpay ay magkaroon ng kahulugan para sa iba pang katulad na mga kaso.” Pinatutungkulan ng mamamahayag ang mga kasong patuloy na kinahaharap nina Joel Demate, Mark Ryan Cruz, Jaymie Gregorio at Romina Astudillo, ang natiring apat sa HRDay7 na nakakulong hanggang sa kasalukuyan.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Job-losing growth in first quarter 2024 is cause for alarm not optimism – IBON

Economic growth in the first quarter of 2024 was accompanied

Military Situation In Ukraine On June 13, 2023 (Map Update)

Click to see full-size image Russian forces struck an industrial