Ang Bayan » Mga residente at katutubo sa Negros Oriental, nagprotesta kontra kumpanyang mina

April 17, 2023


Nagtipon at nagprotesta ang mga grupo, katutubo, residente at ilang upisyal ng lokal na gubyerno para tutulan ang pagmimina ng Midan Corporation sa Sityo Tarug, Barangay San Francisco, Santa Catalina, Negros Oriental noong Abril 12. Ayon ito sa ulat ng isang lokal na alternatibong midya.

Ayon sa ulat, nanawagan ang mga residente na itigil ang eksplorasyon ng naturang kumpanya dahil naniniwala silang magkakaroon ito ng masamang epekto sa kalikasan. Nais saklawin ng ekplorasyon ng kumpanya ang isanlibong ektarya ng lupa sa Sityo Tarug, Barangay San Francisco para sa depositong ginto.

Nagpahayag din ng matinding pagtutol sa eksplorasyon at operasyong pagmimina ang alkalde ng Santa Catalina na si Mayor Peve Obaniana-Ligan.

Iniulat din na nagsumite ng petisyon ang Santa Catalina Bukidnon Tribe Association sa lokal na gubyerno para tutulan at ihinto ang ekplorasyon sa bayan. Ayon sa mga katutubo, ang lupang gustong pasukin ng kumpanya sa pagmimina ay bahagi ng kanilang lupang ninuno at pinagmay-arian pa ng kanilang unang lider na si Tolong.

Ayon sa petisyon, “ang pangangalaga sa kagubatan ay pangangalaga din sa karapatan ng mga katutubo na payapang mamuhay, magkaroon ng katiyakan sa pagkain, at makatamasa ng malinis na tubig at hangin.”

Nagsumite rin sila ng petisyon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at sa Mines and Geosciences Bureau (MGB) para ipatigil ang eksplorasyon.

Ang mga barangay na apektado ng ekplorasyon ay nagpasa na rin ng mga resolusyon laban dito.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

NDFP Consultant killed in ‘fake encounter’, 3 others abducted in Negros

Four people, including two for-hire drivers, were reportedly abducted by

Military Situation In Ukraine On July 6, 2023 (Map Update)

Click to see full-size image Russian artillery struck AFU positions