Ang Bayan Ngayon » 2 brodkaster sa radyo, kinastigo sa Red-tagging at malisyosong akusasyon

July 3, 2024


Pinuna ng Karapatan-Central Luzon ang dalawang brodkaster ng Radyo Natin Nationwide na sina Angelo Palmones at Cheska San Diego-Bobadilla sa ginawa nilang Red-tagging at malisyosong pag-aakusa sa kanilang programa sa radyo noong Hulyo 1. Ayon sa grupo, nagpakalat ng maling balita, paninirang puri at hindi pinag-aralang upinyon ang mga brodkaster laban sa Karapatan kasunod ng pagtulong nito sa mga pamilya ng napatay na mga Pulang mandirigma na napaslang sa Pantabangan, Nueva Ecija noong Hunyo 26.

Ang dalawang brodkaster ay nagsalita matapos ang pagbabalita ng mamamahayag na si Armi Carranza ng Radyo Natin Guimba. Ibinalita ni Carranza na naiuwi ng mga kaanak sa bayan ng Guimba, Nueva Ecija ang bangkay ng isa sa mga napaslang sa Pantabangan. Anang grupo, tapat namang naiulat ni Carranza ang panig ng mga kaanak at kaibigan, at ang panig din naman ng militar, bago nagkalat ng paninira sina Palmones at San Diego-Bobadilla.

Sinabi ng dalawa na “nakakabwisit” ang Karapatan-Central Luzon dahil matapos ang engkwentro sa Nueva Ecija ay mas tinutukan pa nito ang mga posibleng paglabag sa karapatang-tao ng mga napaslang. “Hindi namin trabaho ang maging tagapagsalita at tagapaglako ng mga programa ng gubyerno,” tugon dito ng grupo.

Ayon sa Karapatan-Central Luzon, ipinahayag pa ng dalawang brodkaster na dapat payuhan ng grupo ang kanilang mga kasamahan sa kabundukan at ipaalam sa kanila na mayroong mga programa ang gubyerno kaya wala nang dahilan para mamundok. Malisyosong idinawit nina Palmones at Sandiego-Bobadilla ang Karapatan sa armadong rebolusyonaryong kilusan.

“Mahalagang maituwid sina Angelo Palmones at Cheska San Diego-Bobadilla at ang iba pang mga mamamahayag na ang Karapatan-Central Luzon, [at mga balangay] sa iba’t iba mang rehiyon at pambansa ay ligal na organisasyon ng mga nagtatanggol sa karapatan ng mamamayan,” anito.

Anila, delikado sa buhay, kalayaan, at seguridad ng mga boluntir at mga nagtatanggol ng karapatan ng mamamayan ang sinabi nina Palmones at San Diego-Bobadilla na ang Karapatan ay kasamahan ng mga taong pinili ang lumahok sa armadong paglaban. “Nilalagyan ng ganitong mga pahayag ang aming mga likod ng target, at tinatakdaan kaming kaaway ng gobyerno, na pwede lang dukutin at paslangin,” dagdag ng Karapatan-Central Luzon.

Idiniin ng grupo na tungkulin ng mga mamamahayag na mag-ulat nang tapat, magbigay ng upinyon na pinag-aralan at may batayan, at maging maingat sa paglalahad lalo na sa mga kuwentong hindi na nga totoo ay mapanwasak pa at delikado sa buhay, kalayaan, at seguridad ng kapwa-tao. “Malaki ang responsibilidad ng isang mamamahayag, isa itong obligasyon,” dagdag nila.

Samantala, kinundena ng grupo ang pagpapaskil ng militar at pulis ng mga tarpulin sa Nueva Ecija, Tarlac at iba pang bahagi ng Central Luzon na nag-uugnay sa Karapatan-Central Luzon sa Bagong Hukbong Bayan. Ipinakalat ito ng estado matapos ang pagtugon ng grupo sa mga napaslang sa labanan sa Pantabangan, Nueva Ecija at pagtulong sa mga kaanak nila na bawiin ang bangkay ng mga napatay.

Sa harap nito, binigyang-diin ng Karapatan-Central Luzon ang pagtataguyod sa internasyunal na makataong batas at batas ng digma na padron at gabay ng mga partidong lumalahok sa mga armadong tunggalian para mapanatiling makatao ang kondukta ng digmaan.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Military Situation In Donbass On May 28, 2023 (Map Update)

Click to see full-size image Russian artillery struck the AFU

The 2023 summer Metro Manila Film Festival: More substantial and engaging

The summer edition of the Metro Manila Film Festival (MMFF)