Ang Bayan Ngayon » 2 lider-manggagawa sa Davao, ginipit ng 10th ID


Muling tumitindi ang panggigipit ng reaksyunaryong estado sa mga lider-manggagawa sa rehiyon ng Davao. Dalawang lider manggagawa ng rehiyon ang magkasunod na ginipit ng mga pwersa ng estado nitong nagdaang linggo.

Dalawang beses na “binisita” ng dalawang nagpakilalang sundalo ng 10th ID ang pamilya ng dating secretary-general ng Kilusang Mayo Uno-Southern Mindanao Region na si Carlo Olalo sa kanilang bahay sa Davao City. Tinakot ng mga ito ang pamilya ni Olalo ay sinabihan silang “ipasurender” si Olalo para “malinis” ang kanyang pangalan. Naganap ang insidenteng ito ng panggigipit noong Abril 23, at naulit kahapon, Abril 26.

Noon Abril 26, “binisita” rin ng mga sundalo ang komunidad ni Melodina “Melod” Gumanoy, isang lider-manggagawa sa Compostela Valley sa Davao de Oro. Paulit-ulit siyang tinakot at pinwersang sumurender.

Ang mga atake sa dalawang lider ay bahagi ng serye ng mga panggigipit ng AFP sa mga manggagawa sa rehiyon. Noong Abril 10, dinukot at hanggang ngayon ay di pa inililitaw ng 48th IB si William Lariosa, isa ring batikang lider-mangagawa ng rehiyon.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!