Ang Bayan Ngayon » 4 na Adivasi, pinatay ng paramilitar ng India


Panibagong serye ng pagpatay ang isinagawa ng mga militar at paramilitar ng estado ng India laban sa mga Adivasi noong Hulyo 3 sa kagubatan ng Ghamandi, distrito ng Narayanpur sa Chhattisgarh. Kinundena ito ng Forum Against Corporatization and Militarization (FACAM).

Ayon sa mga ulat na umabot sa FACAM, biglang lumusob sa lugar ang mga pwersang paramilitar at walang-patumanggang namaril dito at sa katabing kagubatan ng Ghamandi. Nagpaulan sila ng bala mula umaga hanggang gabi. Apat na residente ang napatay sa pamamaril at lima pa ang nasugatan. Kinilala ang mga nasawi na sina Kondha, Ghasi, Edma at Manglu.

Si Manglu ay isang magsasakang Adivasi na pangunahing bumubuhay sa kanyang pamilya. Sa kwento ng kanyang mga kababaryo, nasa loob siya ng bahay nang mamaril ang mga paramilitar at tumakbo para makatakas ngunit inabutan at namatay sa tama ng bala.

Ayon sa FACAM, malinaw sa salaysay ng mga taga-baryo at saksi na hindi isang engkwentro sa People’s Liberation Guerilla Army (PLGA) ng Communist Party of India (Maoist) at paramilitar ang nangyari, taliwas sa ipinapahayag ng armadong pwersa ng estado.

Sa pahayag ng CPI (Maoist) Maad Division, itinanggi nitong mga mandirigma ang napaslang at sinabing walang engkwentro sa naturang komunidad sa araw na iyon.

Samantala, hindi bababa sa 90 Adivasi ang inaresto ng armadong pwersa ng estado sa Usur, Bijapur sa distrito ng Bastar. Pinararatangan silang mga kasapi o may kaugnayan sa CPI (Maoist).

“Malinaw dito ang padron ng operasyon ng estado. Ang mga magsasakang Adivasi ay ni-re-red tag ng estado at saka pinalalabas na mga kriminal, binabalewala ang kanilang mga karapatang-sibil…posible silang arestuhin o mas malubha, patayin,” pahayag ng FACAM.

Ang mga pag-atakeng ito sa Adivasi ay bahagi ng Operation Kagaar, isang operasyong militar na ipinatutupad ng reaksyunaryong sentral at pang-estado na gubyerno ng India. Sinimulan itong ipatupad noong Enero sa bahagi ng Central India laban sa armadong pakikibaka na pinamumunuan ng CPI (Maoist). Bahagi ito ng mas masaklaw pang operasyong kontra-insurhensya na Operation SAMADHAN-Prahar na sinimulan noong 2017.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!