Ang Bayan Ngayon » Manggagawang pangkaunlaran sa Ilocos, sinampahan ng reklamong “terrorism financing”


Tinarget ng reklamong “terrorism financing” o paglabag sa Terrorism Financing Prevention and Suppression Act (TFPSA) of 2012 ng mga pwersa ng estado ang manggagawang pangkaunlaran na si Lenville Salvador. Ayon sa Ilocos Center for Research, Empowerment and Development (ICRED), nakatanggap si Salvador, dating tagapangulo nito, ng subpeona o pagpapatawag mula sa Deparment of Justice hinggil sa reklamo noong Oktubre 17.

Pinasasagot si Salvador sa mga reklamong isinampa laban sa kanya at ipinatatawag na humarap sa DoJ sa Maynila para sa paunang imbestigason sa Oktubre 22 at 29. Kinundena ng ICRED ang naturang reklamo. Anito, bahagi ang reklamo ng mas malapad na kampanya para patahimikin ang mga nagtatguyod sa kalagayan ng mga nasa komunidad.

“Mahalagang bigyang diin na ang mga akusasyon laban kay Salvador ay batay sa gawa-gawang mga salaysay at walang-batayang mga pahayag,” ayon sa ICRED. Dagdag umano itong reklamo sa serye ng panggigipit na kinaharap na ni Salvador na red-tagging at panghaharas mula sa mga pwersa ng estado.

Ayon sa grupo, binansagan na bilang “banta sa Rehiyon 1” si Salvador sa panahong binubuo ang panrehiyong ahensya ng National Task Force-Elcac sa Ilocos. “Tumindi at hindi na tumigil ang mga atake sa kanya maging pagkatapos niyang magretiro sa gawaing pangkaunlaran,” dagdag ng grupo.

Bago magretiro noong 2023, ilang dekadang nagsilbi si Salvador bilang manggagawang pangkaunlaran. Siya ang tagapangulong tagapagtatag ng ICRED nang itinatag ito noong 2008. Naging bahagi rin siya ng Board of Trustees ng Katinnulong daguiti Umili iti Amianan (Kaduami Northern Luzon) Inc. Dumanas rin siya ng kalupitan noong panahon ng batas militar at nakaligtas sa tangkang pagpatay ng rehimeng Arroyo noong 2009.

Ayon naman sa Karapatan Ilocos Human Rights Alliance, ang reklamong ito ay higit na patunay sa nagpapatuloy na pagkakasangkapan ng estado sa batas. Panawagan ng ICRED at Karapatan-Ilocos, dapat itong tutulan at labanan.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!