Ang Bayan Ngayon » Pagdinig ng petisyon kontra “teroristang” designasyon, sinuspinde ng korte sa Baguio City

January 27, 2024


Sinuspinde ng Baguio Regional Trial Court ngayong araw, Enero 26, ang pagdinig sa petisyon ng apat na lider ng Cordillera Peoples Alliance (CPA) na kumukwestyon sa arbitraryong “teroristang” designasyon sa kanila ng Anti-Terrorism Council sa ilalim ng Anti-Terrorism Act of 2020. Ayon sa korte, nagpaabot ito ng upisyal na katanungan sa Korte Suprema kung dapat ba nitong ituloy ang pagdinig o ipasa ang petisyon sa Court of Appeals o sa nakatakdang korte ng ATA sa Pangasinan, kaugnay ng mga alituntuning inilabas para sa terror law.

Kaugnay ng pagdinig, nagpiket sa harap ng Baguio Justice Hall, Baguio City ang mga kaanak, kaibigan at kasama ng apat na aktibista at lider ng CPA na sina Windel Bolinget, Sarah Abellon-Alikes, Jennifer Awingan-Taggaoa, at Stephen Tauli. Muli nilang iginiit na tanggalin ang designasyon at tuluyang ibasura ang terror law. Inihain nila ang naturang kaso noon pang Nobyembre 23, 2023, na kauna-unahang ligal na aksyon laban sa gayong designasyon.

Samantala, nakipagpulong din ang apat, kasama ang iba pang mga lider ng mga demokratikong organisasyon sa hilagang Pilipinas kay United Nations Special Rapporteur Irene Khan. Bumisita si Khan sa Baguio City ngayong araw para alamin ang kalagayan ng karapatan sa malayang pagpapahayag at opinyon sa Northern at Central Luzon.

Sa naturang pulong, ipinabatid nila kay Khan kung paanong kinakasangkapan ng estado ang mga mapanupil na batas sa bansa para patahimikin ang mga kritiko. Inihayag din nila ang pagkundena sa National Task Force-Elcac na nangunguna sa kampanyang intimidasyon at red-tagging laban sa mga progresibo at demokratikong kilusan.

Isinalaysay din ng mga lider-katutubo kung paanong nilalapastangan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), mga lokal na upisyal at pwersang panseguridad ng estado, ang prosesong Free, Prior and Informed Consent (FPIC) para sa kanilang karapatan sa lupang ninuno. Layon umano nitong patahimikin sila sa kanilang paglaban sa mapanirang mga proyektong dam, at malalaking mapangwasak na proyekto.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Mauritania Accused of Violating Senegalese Migrants’ Rights

A Spanish Civil Guard ship has turned back 168 Senegalese

Mali: Attack on the MINUSMA Convoy | News

The United Nations reports a new attack on the convoy