Ang Bayan Ngayon » Panggigipit sa mga magsasaka sa Hacienda Luisita, muling tumitindi


Muli na namang tumitindi ang panggigipit ng mga pwersa ng estado sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita sa nagdaang mga araw sa gitna ng mga pagkilos at aktibidad para sa Buwan ng Magsasaka. Target ng mga ito ang mga kasapi ng Alyansa ng mga Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita (AMBALA).

Noong Oktubre 18 ng alas-9 ng gabi, sinugod ng apat (4) ng hinihinalang tauhan ng 3rd Mechanized IB ang kabahayan sa Barangay Mapalacsiao, Tarlac City kung saan nakatira si Francisco Dizon, tagapangulo ng AMBALA. Nakasibilyan at nakatakip ang mga mukha ng mga suspek, at pinipilit si Dizon na sumama sa kanila.

Kaagad na rumesponde kay Dizon ang kanyang mga kapitbahay at mga myembro ng AMBALA para palayasin ang mga sundalo at tiyakin ang kaligtasan ng kanilang tagapangulo. Kaagad ding nakipag-ugnayan sa mga upisyal ng barangay ang AMBALA para iulat ang panggigipit.

Samantala, hinarang ng mga pulis at 31st MIB ang dalawang sinasakyan ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita ngayong araw, Oktubre 20. Papunta sa isang pagtitipon ang mga magsasaka para gunitain ang Buwan ng Magsasaka. Kinumpiska ng mga pwersa ng estado ang mga sasakyan, ayon sa ulat ng Karapatan-Central Luzon.

“Mariing kinundena ng Karapatan Central Luzon ang lantarang panggigigipit ng estado sa mga organisasyong masa ng mga manggagawang-bukid at magsasaka ng Hacienda Luisita na may mga lehitimong pakikibakang masa para sa lupa, paninirahan, karapatan, at hustisya,” pahayag ng grupo.

Malaon nang ipinaglalaban ng AMBALA at mga magsasaka ng 6,453-ektaryang Hacienda Luisita ang kanilang karapatan para sa lupa. Ayon sa Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura, ang mga pekeng reporma sa lupa sa nagdaang mga dekada ay nagbigay-daan lamang sa pagpapasakamay ng asyenda sa mga korporasyon at panginoong maylupa, sa halip na ipamahagi sa mga nagbubungkal ng lupa.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!