Ang Bayan Ngayon » Sistemang BRT na papatay sa tradisyunal na mga dyip, nakatakdang ilatag sa Iloilo

June 19, 2024


Inianunsyo ngayong Hunyo 19 ng meyor ng Iloilo City na si Jerry Treñas na “pinag-aaralan” na ng kanyang gubyerno ang “unsolicited proposal” ng First Balfour Inc para sa pagpopondo at operasyon ng sistemang bus-rapid transit (BRT) sa syudad. Kasunod ito ng pagpatupad sa syudad ng pwersahang konsolidasyon ng prangkisa ng mga tradisyunal na dyip, na pumatay sa maliliit na mga drayber at opereytor, at pagtatayo ng mga kooperatibang dominado ng mga kumpanya ng imported na minibus. Noong nakaraang linggo naman, ipinataw na sa syudad ang “enhanced” na Local Public Transport Route Plan, kung saan binawasan ang mga ruta ng mga tradisyunal na dyip na pumapasok sa syudad nang 60%.

Sa naturang “unsolicited proposal,” inisyal na sasaklawin ng First Balfour ang mga ruta ng Diversion Road, at sa mga distrito ng Jaro at Arevalo gamit ang inisyal na 16 e-bus kada ruta. Tinatayang magkakahalaga ang buong proyekto ng ₱2.4 bilyon, kasama ang pagkukumpuni ng mga daan at paglalatag ng kinakailangang impraktura (waiting shed, automatic collection at iba pa) para gumana ang sistemang BRT sa syudad. Ang buong proyekto ay ipapaloob sa PPP (Public-Private Partnership) kung saan gagamitin ang pampublikong pondo para sa kinakailangan nitong imprastruktura.

Sa kasalukuyan, pinatatakbo ng First Balfour ang ilang e-bus na naghahatid-sunod ng mga pasahero sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminals 3 and 4. Buong iniimport ng kumpanya ang mga e-bus nito mula sa BYD (Build Your Dreams), isang kumpanyang Chinese.

Isa sa mga nagtulak sa paglalatag ng sistemang BRT sa Iloilo City at mga “first town” ang gubyerno at mga negosyante ng Sweden. Noong Hunyo 2023, pumirma ang Metro Iloilo-Guimaras Economic Development Council, National Economic Development Authority (NEDA), at Department of Transportation sa kasunduang isasagawa ng mga negosyanteng Swede ang isang “feasibility study” para sa sistemang BRT hindi lamang sa syudad, kundi pati sa Cabatuan, Leganes, Oton, San Miguel, Santa Barbara, at Zarraga. Pinondohan ang pag-aaral ng $1 bilyong grant mula sa Swedfund, ang institusyong pampinansya ng gubyerno ng Sweden.

Inilalako ng lokal na gubyerno ng Iloilo, mga negosyo ng Sweden, at ng First Balfour ang sistemang BRT bilang programa para sa “environmental sustainability” o pangangalaga sa kalikasan. Tulad sa mga sistemang BRT na itinutulak sa Davao, Cebu at ibang malalaking syudad, ipinangangalandakan ito bilang paglalatag ng “low-carbon urban transport system.” Isa itong malaking kalokohan dahil halos lahat ng kuryenteng ginagamit sa Panay (91.9%) ay mula sa plantang coal-fired (58.2%) at diesel/bunker-fired (33.7%), mga mayor na nagbubuga ng mga gas na nagdudulot ng pag-init ng planeta at climate change.

Ang First Balfour ay kumpanya sa konstruksyon ng pamilyang Lopez, isa sa pinakamalaking burgesyang komprador sa Pilipinas, at isa sa tatlong pinakamalalaking prodyuser ng kuryente ng bansa. Ang BYD naman ang pinakamalaking suplayer ng mga electric na sasakyan sa bansa sa kasalukuyan. Kabilang sa mga sinusuplayan nito ang Meralco at Ayala Corporation, mga kumpanyang aktibong nagtutulak para sa jeepney phasout at huwad na modernisasyon.

Noong Agosto 2022, pumasok ang BYD sa isang partnership sa Hedin Electric Mobility, isang kumpanyang Swede, na tumatayong pangunahing distribyutor ng mga e-vehicle nito sa Europe.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

PRWC » Survey showing “high satisfaction” for AFP highly questionable

The recent survey by the Octa Research claiming 86% “satisfaction

What The F?! Podcast Special: Safe spaces IN, sexual harassment at ‘shame’ OUT para sa mga babaeng journalist

Ang mga journalist, matatapang, maiingay, at may paninindigan. Pero minsan,